• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maging handa sa mga hamon, totoong laban nagsisimula pa lang, maging tapat sa pagsisilbi sa bayan’

BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 310 graduates ng Philippine Military Academy (PMA) MADASIGON Class of 2023 na maging handa sa mga hamon na kanilang kakaharapin ngayong magsisimula na sila sa kanilang serbisyo publiko.

 

 

Sabi ng Pangulo ang mga kadete ay hinasa at hinubog ng akademya para maging magagaling na mga opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

 

 

Ayon sa Pangulo ang totoong laban ay nagsisimula pa lamang kaya nararapat lamang na maging handa ang mga ito.

 

 

Ang mga nararanasang realidad sa likod ng security environment ng bansa ang palaging nag-uudyok sa militar para maging handa sa anumang banta na kahaharapin.

 

 

Binigyang-diin ng Chief Executive na ang mga purveyors ng kriminalidad, insurhensiya at terorismo ay siyang dakilang hadlang sa hangaring makamit natin ang kapayapaan. (Daris Jose)

Other News
  • DILG sa LGUs: Higpitan ang health protocols vs COVID-19

    Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na higit pang paghusayin ang kanilang mga ordinansa upang matiyak na patuloy na naoobserbahan ng mga mamamayan ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.     Ayon kay DILG Officer-In-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., […]

  • Ilang lugar sa bansa, maaari ng ideklara at isailalim sa “new normal”

    MAY ilang lugar na sa bansa ang maaari ng isailalim sa  “new normal” ngayong Oktubre.   Ito’y dahil sa zero COVID-19 transmission sa ilang bahagi ng Pilipinas.   Ang Community quarantine measures para sa buwan ng Oktubre  “will not be the same,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Posible kasing bawiin ang virus restrictions […]

  • 7 PASAHERO NG MOTOR LAUNCH NASAGIP NG COAST GUARD

    PITONG pasahero ng motor launch ang nasagip ng mga tauhan ng  Philippine Coast Guard (PCG) Station Roxas at Bantay Dagat Roxas sa karagatang sakop ng Zabala Reef , Barangay Caramay, Palawan       Sa ulat ng PCG, nakatanggap ito ng distress call mula  ML MRRL’s skipper na si Ricky Conge kaya nagsagawa ng  the […]