• November 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs maghanda sa super typhoon – Marcos Jr.

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na paghandaan ang mga posibleng pag-ulan at pagbaha na maaaring idulot ng super typhoon Mawar.

 

 

Muling tiniyak ng Pangulo sa publiko na naka-standby ang disaster council sa pagpasok ng super typhoon.

 

 

Ayon kay Marcos, inilagay na ng gobyerno ang mga relief goods sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng Mawar, karamihan sa hilagang Luzon.

 

 

Binanggit ni Marcos na inaasahan ng state ­weather forecaster na palakasin ni Mawar ang habagat at magdadala ng mga pag-ulan sa ibang mga lugar, kahit na hindi ito inaasahang tatama sa lupa.

 

 

“Dito sa bagyong ito…although daraan lang north of the Philippines, apparently hihilahin niya ‘yung habagat para — and there is a chance na magkakaroon ng malakas na ulan pati hanggang — hindi lang southern Luzon, Visayas, pati baka Mindanao. Kaya’t we have already warned the LGUs to prepare in case of heavy rains and flooding.”

 

 

Ipinauubaya ni Marcos sa mga LGUs kung ano ang nararapat na gawin kasabay ang pagtiyak na nakaalalay sa kanila ang national government.

 

 

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na parehong handa ang manpower at relief assistance para sa mga posibleng paglikas dahil sa Bagyong Mawar. (Daris Jose)

Other News
  • 2 DRUG SUSPECT TIKLO SA P374K SHABU SA VALENZUELA

    DALAWANG hinihinalang drug personalities kabilang ang 49-anyos na ginang ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Joven Palileo, 39, ng Gumamela St. Gen. […]

  • Rapid testing ‘di inirerekomenda ng DOH

    Muling iginiit ng Department of Health (DOH) ang hindi nila pagrekomenda sa paggamit ng ‘rapid testing’ na ginaga­mit na basehan bilang clearance sa pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa dahil sa mataas na ‘false positive o false negative’ na mga resulta.   Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dati pa namang posisyon ng […]

  • Kai Sotto nagpatattoo; NBA player na ang dating

    Ikinagulat ng fans ang video na naka-post sa Instagram ni NBA G-League player Kai Sotto kung saan makikitang puno ng tattoo ang kanang braso nito na parang manlalaro na ng National Basketball Association (NBA).   Walang caption pero may tatlong fire emojis ang post na video ng 7-foot-2 na si Sotto at ipinakikitang  may bagong […]