BIKTIMA NG TRAFFICKING NAGPANGGAP NA MGA SEAFARERS, NA-RESCUE
- Published on June 3, 2023
- by @peoplesbalita
NA-RESCUE ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga ang dalawang kababaihan na hinihinalang biktima ng trafficking na tinangkang pumuslit ng bansa at nagpanggap na mga seafarers.
Ang dalawang ay papasakay ng Cebu Pacific patungong Hongkong , ayon sa report kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ng BI travel control and enforcement unit (TCEU).
Ang dalawang babae ay nagpanggap na Overseas Filipino workers (OFWs) na ni-recruit na magtrabaho sa Thailand at nagpakita ng mga pekeng dokumento, pero sa bandang huli ay inamin na patungo sila sa Laos upang magtrabaho bilang mga call center agents.
“The modus operandi here is for the victims to initially fly to Thailand where they would then board their connecting flight to Laos,” ayon kay Tansingco.
Sinabi ng mga biktima na ni-recruit sila upang magtrabaho sa Laos na nakita nila sa social media at nagbayad ng P4,000 kapalit ng kanilang pekeng dokumento.
Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at pagsasampa ng reklamo laban sa kanilang recruiters. GENE ADSUARA
-
Pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR, hindi dahil sa eleksyon – OCTA
NILINAW ng OCTA Research group na ang mas maraming transmissible Omicron subvariants COVID-19 ang dahilan ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit sa Metro Manila. Sa isang pahayag, binigyang-diin ni OCTA research fellow Dr. Guido David na hindi ito dahil sa mga aktibidad na inilunsad noong panahon ng eleksyon. […]
-
Top 10 most wanted person ng Valenzuela, nadakma
KINALAWIT ng pulisya ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted matapos masuko sa isinagawag manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Dennis”, 33 ng Brgy., Punturin ng lungsod. Sa kanyang report kay Northern […]
-
Face masks kailangan sa loob ng pribadong sasakyan maliban kung nag-iisa
Ang driver at mga pasahero sa loob ng pribadong sasakyan kahit na nakatira sa iisang bahay ay kinakailangan mag-suot ng face masks. Sa isang magkasamang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Health (DOH) ay sinabi nilang kung nag-iisa naman ang driver sa loob ng sasakyan ay papayagan siyang alisin ang […]