• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ina ni Maine sa pekeng video scandal ng anak: ‘Di makatarungan

Hindi napigilan ng ina ni Maine Mendoza na maging emosyonal nang tuluyang dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cyber Crime Division kaugnay ng kumalat na video scandal umano ng aktres kamakailan.

 

Ngayong araw, December 28, nang magtungo sa NBI ang ina ni Maine na si Mrs. Mary Ann Mendoza kasama ang abogado ng 25-year-old TV host-actress para paimbestigahan ang kumakalat na sex video.

 

Hiling ng kampo ni Maine na maparusahan ang nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng malaswang video.

 

Ito’y bagama’t una nang inamin ng girlfriend ni Arjo Atayde na kamukha niya ang babae sa video ngunit edited na raw gamit ang tinatawag na deepfake technology.

 

“Lumagay man kayo sa ‘min bilang magulang, siguro mararamdaman niyo rin yung sakit, yung nararamdaman naming mga pamilya niya,” naiiyak na sambit ng nakatatandang Mendoza.

 

Sa panig ng NBI, nangako ang Cyber-Crime Investigator na si Victor Lorenzo na masusi silang mag-iimbestiga kaugnay ng isyu.

 

Dumulog kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang  kampo ng Kapuso celebrity na si Maine Mendoza para paimbestigahan ang kumakalat na video scandal sa social media.

 

Nagtungo ang abogado at ang ina ng aktres kay NBI Cyber Crime Division chief Victor Lorenzo para maghain ng reklamo.

 

Una nang napaulat ang pagtanggi ni Mendoza na siya ang nasa video scandal subalit kamukhang-kamukha umano niya ito kaya siya kinilabutan nang mapanood

 

Pati ang manager ni Mendoza ay una nang naglabas nang pahayag at sinabing peke ang naturang sex video at halatang minanipula o inedit .

 

Nais din nilang mapanagot ang responsable sa video, na naka-apekto sa imahe ni Mendoza.

 

Sinabi naman ni Lorenzo, magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa naturang video. Naalarma ang aktres nang i-share ng netizen sa Twitter noong Disyembre 22, 2020 ang screenshot ng nasabing video scandal.

 

Nakiusap din ang management ng  All Access To Artist, Inc., sa publiko na huwag nang i-post, i-share o ipakalat pa ang video dahil handa silang magsampa ng kaukulang demanda laban sa gagawa pa nito.

Other News
  • Mahigit 22 quarantine facilities para sa Metro Manila COVID-19 patients, patapos na – Dizon

    Patuloy umano ang paghahanap at pagtatayo ng National Task Force against COVID-19 ng isolation o quarantine facilities para sa mga magpopositibo partikular sa Metro Manila.     Magugunitang paubos na ang mga quarantine facilities na unang itinayo dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.     Sinabi ni NTF deputy […]

  • Eala pa-wow sa US NCAA

    PATULOY ang pagkinang ni Michael Francis ‘Miko’ Eala para sa Pennsylvania State University men’s tennis team sa Big 10 Conference ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association sa University Park Indoor Tennis Center sa nasabing estado.     Humataw ng kambal na panalo sa men’s singles at doubles ang 18 taong-gulang na Pinoy netter […]

  • Metro Manila pinakatalamak ang kawalang trabaho

    Hindi lang numero uno sa COVID-19 cases ang National Capital Region (NCR). Ito rin ang may pinakamataas na unemployment rate sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas.   “Ang NCR ay naitayang may pinakamataas na unemployment rate na nasa 15.8 percent, samantalang ang [Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao] ang may pinakamababa na nasa 3.8 percent […]