• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MINIMUM WAGE SA CALABARZON

ITINAAS na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Calabarzon ang  sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor mula P35 hanggang P50, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes.

 

 

Sa board Wage Order No. IVA-20 na may petsang  Sept. 1 , ang daily minimum wages sa sumusunod na lugar sa rehiyon — mula P470 hanggang P520 para sa non-agriculture sector; mula P429 hanggang P479 para sa  agriculture sector; at mula  P350 Hanggang P385 para sa  retail at service establishments na naka-empleyo ng hindi lagpas sa 10 manggagawa .

 

 

Sinabi ng DOLE na ang wage order ay inaasahan  na magbebenepisyo ang 719,704 minimum wage earners sa rehiyon.

 

 

Pinagtibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order noong Setyembre 5. Ito ay ilalathala sa Biyernes at magkakabisa sa Setyembre 24 o 15 araw mula sa pagkakalathala nito.

 

 

Samantala, sinabi ng DOLE na ang mga manggagawa sa agriculture sector sa lungsod ng Calaca sa Batangas at Carnona sa Cavite ay dapat makatanggap ng dagdag na P89 dahil sa kanilang reclassification mula sa first class municipalities component cities sa bisa ng  Republic Act 11544 at 11938.

 

 

Ang board ay binubuo ng mga kinatawan mula sa gobyerno ,management at labor sectors , na nagsagawa ng serye ng public hearings noong Agosto 7 sa Batangas , Agosto 9 sa Cavite  at Agosto 11 sa Laguna, at wage deliberation noong Agosto 16,18,23 at Sept.1,2023.

 

 

Hindi naman saklaw ng minimum wage law ayon sa Republic Act No.9178 [2022] ang Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) .

 

 

Para sa mga aplikasyon ng exemption at karagdagang paglilinaw sa wage order, maaari ding maabot ang RTWPB sa pamamagitan ng email address nito na rb4a@produktiboatsahod.onmicrosoft.com

 

 

Ang huling wage order para sa mga manggagawa sa mga pribadong establisyimento sa rehiyon ay inilabas noong Mayo 30, 2022 at nagkabisa noong Hunyo 30, 2022.

 

 

Nakatakda ring magsagawa ng pampublikong pagdinig  ang RTWPB-Region V sa Legazpi City sa unang bahagi ng susunod na buwan para sa panukalang pagsasaayos ng suweldo sa rehiyon.

 

 

Isinasagawa ang pagdinig upang payagan ang lahat ng stakeholder  na maaapektuhan ng pagsasaayos ng sahod na makilahok.

 

 

Bago ang public hearing, sinabi ng RTWPB – Region V na magsasagawa rin ito ng ilang wage consultations sa iba’t ibang bahagi ng Bicol.

 

 

Kabilang rito ang Villa Isabel Hotel, Sorsogon City (Sept. 11), Freshco Beach Resort, Masbate City (Sept. 22), Lotus Blu Hotel, Naga City, Camarines Sur (Sept. 26), at Wiltan Hotel, Daet, Camarines Norte (Sept. 27).

 

 

Ang huling wage order na inilabas ng Bicol wage board, na nagbigay ng P33 salary increase, ay nagkabisa noong Hunyo 2022.

 

 

Ang Wage Order No. V-20 ay nagdala ng pang-araw-araw na minimum wage rate sa Bicol Region sa P365.GENE ADSUARA

Other News
  • DBM, maghahanap ng paraan para pondohan ang P1,000 monthly pension para sa mga indigent seniors

    MAGHAHANAP at gagawa ng paraan ang Department of Budget and Management (DBM) para mapondohan ang tumaas na  monthly social pension ng indigent senior citizens.     Mula kasi sa P500 ay  P1,000 na ang matatanggap ng mga ito.     Ito’y sa kabila ng nasa ” tight fiscal position” ang gobyerno.     “To be […]

  • Order na bakuna na Astrazeneca ng mga LGU, sa isang taon pa darating

    SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na din ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca. Sa 2022 […]

  • Kagyat na tugunan ang terorismo, cybercrime

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong hinirang na Philippine National Police (PNP) chief Major General Rommel Francisco Marbil na tulungan ang gobyerno na tugunan ang mga sumusulpot na banta sa kapayapaan at kaayusan sa bansa.     Sa isang seremonya para sa PNP change of command na idinaos sa Camp Crame, Quezon City, […]