• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baguio City, magsisimula nang tumanggap ng bisita mula sa Ilocos Region

MAGSISIMULA na ang tourist-favorite Baguio City na tumanggap ng kanilang bisita mula sa  Ilocos region simula Setyembre  22.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang residente ng Region 1 na nagnanais na bumisita sa  Baguio City, kilala bilang  summer capital ng bansa dahil sa malamig na panahon ay kailangan lamang na  mag-rehistro sa  online at magpakita ng patunay  ng  hotel reservation.

 

Ito’y makaraan ang inspeksyon ng  precautionary protocols na ipinatutupad sa Baguio City .

“Beginning Sept. 22, our city of Baguio will be open para sa mga bisita galing sa Region 1,” ayon kay Sec. Roque.

 

“You can come and enjoy the city of Pines,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinabi ni Contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang  local government ay kailangan na gumamit ng VIS.I.T.A app o  Visitors Information and Tourist Assistance app  para ma- manage ang pagdating ng mga turista.

 

Idinagdag pa nito na kailangan na makipag-ugnayan ang mga ito  sa Department of Tourism at pribadong sektor, partikular na ang  tour operators para makontrol at ma- manage ang mga bibisitang turista.

 

Kailangan naman na isailalim  ng mga turista ang kanilang sarili  sa  swab test o antigen test.(Daris Jose)

Other News
  • Non-showbiz girlfriend, ayaw pag-usapan: DAVE, isa rin sa mga hunk actors na pinagpapantasyahan

    ISA rin si Dave Bornea sa mga hunk actors ng GMA na pinagpapantasyahan sa Instagram, ano ang mensahe niya sa mga nagpapantasya sa kanya?     “Ano lang, gawin niyo lang akong inspirasyon, yun lang naman talaga yung purpose ko e, makapagbigay lang ng inspirasyon sa mga taong nanonood sa akin, e.     “Iyon lang, sana […]

  • SoKor kaisa ng PH sa pagsusulong ng rules-based maritime order at freedom of navigation sa WPS

    TINIYAK ng South Korea na kaisa nila ang Pilipinas sa pagsusulong ng rules-based maritime order at freedom of navigation sa West Philippine Sea.     Ito ang siniguro ni South Korean President Yoon Suk Yeol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang kanilang bilateral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kahapon, Lunes.     Sa Joint […]

  • Cashless transactions na ang EDSA busway system

    IPINATUPAD ng pamahalaan ang cashless transactions sa pamamagitan ng pag-gamit ng beep cards sa mga buses na dumadaan sa EDSA busway system simula ngayon linggo.   Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na “no beef card, no ride” policy ang ipatutupad. Ayon kay assistant secretary Steve Pastor na ang nasabing aksyon ay upang magsilbing karagdagang […]