• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De Jesus dagdag puwersa sa Gilas Pilipinas Women

MAY isang  Filipina-American ang nakatakdang madagdag bilang reinforcement ng Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas Women para sa ilang piling mga kompetisyon sa mga parating na buwan o taon.

 

Ang nagpahayag ng interes ay si Vanessa de Jesus, 18, incoming freshman sa pre-med course at kasapi ng women’s basketball team sa Duke University Blue Devil, isang tinitingalang United Sates National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division 1 school.

 

Isinilang at lumaki sa California ang dalaga na Pinoy at Pinay ang mga magulang bago nanirahan at nagpalit ng kanilang nasyonalidad sa Land of Milk and Honey.

 

Kabilang sa kredeensiyal  niya’y 2019 All-CIF Southern Section Co-Player of the Year, All-CIF Open Division 1st team member Gold Coast League Most Valuable Player.

 

Hindi nga lang kumuha ng pasaporte niya si De Jesus bago nag-16-na taon, kaya ilan sa maari lang niyang sabakan ang International Basketball Federation (FIBA) 3×3 tournaments, regional event na may sariling rules katulad ng Asian Games, Southeast Asian Games, Jones Cup, at Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Championship.

 

Bawal na siya na siya puwede sa mga torneong may bendisyon ng FIBA kagaya ng Summer Olympic Games, World Cup, Asian Championship at iba pa kapag mga 5-on-5.

 

Napag-alaman nitong Biyernes ng OD, na aasikasuihin na ni Gilas Women’s coach Patrick Henry Aquino pasaporte ni De Jesus ay para sa dual citizenship para maging naturalized player ng national quintet.  (REC)

Other News
  • Cha-cha aprub na sa Kamara

    LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panawagang pag-amyenda sa 1987 Constitution o Charter change.     Sa botong 301 pabor, anim kontra at isang abstention ay ganap na naipasa ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 na nanawagan ng reporma sa ekonomiya sa pamamagitan ng Constitutional convention (Con-con) bilang paraan ng […]

  • BEA, blooming at kitang-kita na masaya na kay DOMINIC; netizens natuwa sa photo na magkasama

    MARAMI ang natuwang netizens nang sa wakas makitang magkasama ang Kapuso actress na si Bea Alonzo at ang rumored boyfriend na si Dominic Roque sa baby shower ng anak ng dating aktres na si Beth Tamayo.     Lumabas nga ang photo at video ng celebrity couple na kuha sa naganap na baby shower para […]

  • RAYA FIGHTS WITH ARNIS IN THE FIRST ‘RAYA AND THE LAST DRAGON’ TEASER

    IT’S been a few months since Disney treated us with the first- look image of the upcoming film Raya and the Last Dragon.   Now, they have finally unveiled the official teaser to the film, which will get Filipinos more excited for the film’s release next year!   Check out the trailer here:   Aside […]