• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AFP handa nang ilikas mga Pinoy sa Gaza

NAKAHANDA na ang mga aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling iutos ng pamahalaan ang paglikas o repatriation ng mga Pinoy na naiipit sa gulo ng Israel at Hamas.

 

 

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, gagamitin ang dalawang C130 at isang C295 transport planes para sa mabilis na pagpapauwi sa mga Pinoy sakaling mas lumala pa ang sitwasyon.

 

 

Sinabi ni Aguilar na handa silang gamitin ang mga aircraft ng bansa sa pagliligtas sa mga Filipino mailayo lamang sa patuloy na Israel-Hamas war.

 

 

“We have to deploy our own aircraft there to make sure they can be transported a short distance. From the temporary safe haven, they can now fly through commercial aircraft going back to the Philippines,” ani Aguilar.

 

 

Batay sa report nasa 131 Pinoys sa Gaza Strip ang umalis na kasunod ng kautusan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mandatory repatriation.

 

 

Inaasahang tatawid ng border ng Egypt ang mga Filipino kung saan susunduin ng mga opisyal ng Philippine government pabalik ng bansa.

 

 

Sinabi naman ni Department of Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nasa 35 Pinoy sa Israel ang nagnanais na makabalik ng Pilipinas.

 

 

“They might arrive in the Philippines “hopefully within this week,” Cacdac.

Other News
  • Bulacan, walang community transmission ng UK, South African variants

    LUNGSOD NG MALOLOS– Nilinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na sa ngayon ay wala pang naitatalang hawaan sa komunidad sa lalawigan ng Bulacan ng anumang COVID-19 variant partikular na ng UK at South African variant.     Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis ng Bulacan Medical Center, nakapagtala o may natukoy na […]

  • LGUs maghanda sa super typhoon – Marcos Jr.

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na paghandaan ang mga posibleng pag-ulan at pagbaha na maaaring idulot ng super typhoon Mawar.     Muling tiniyak ng Pangulo sa publiko na naka-standby ang disaster council sa pagpasok ng super typhoon.     Ayon kay Marcos, inilagay na ng gobyerno ang mga […]

  • Kaya pinag-iingat ang bibisita sa ocean park: ROCCO, muntik nang mabiktima ng ‘basag kotse’ gang

    SA pamamagitan ng kanyang Facebook page, ipinost ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang naging experience ng kanyang pamilya nang mamasyal sa isang ocean park sa Maynila noong July 2.     Lalo na ang naranasan ng kanilang driver na naiwan sa loob ng sasakyan, at magsilbi itong warning sa planong bumisita nasabing ocean […]