• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso laban sa SBSI officials, ilipat sa Metro Manila mula Surigao del Norte

HINILING  ng isang mambabatas sa Department of Justice na ikunsidera ang pagsasagawa ng pagdinig ng kaso laban sa mga opisyal ng SBSI officials sa Metro Manila sa halip na sa Surigao del Norte.

 

 

“I doubt very much the courts in Surigao del Norte will be able to try the cases against SBSI because of fear SBSI has sowed in that province,” pahayag pa ni House deputy minority leader Rep. Bernadette Herrera.

 

 

Pinasalamatan naman ng mambabatas ang Department of Justice at National Bureau of Investigation sa pagapatupad nito ng Child Marriage Ban Law (RA 11596) laban sa SBSI.

 

 

Hiniling din nito sa dalawang ahensiya na ikunsidera ang pagsasampa ng kasong malversation of public funds, violations of firearms laws, serious illegal detention, at terrorism kung kinakailangan.

 

 

“This alleged cult called SBSI has all the characteristics of a terrorist group,” dagdag pa ng mambabatas.

 

 

Maging aniya ang Department of Interior and Local Government at Department of Environment and Natural Resources ay dapat ding gamitin ang kanilang administrative powers laban sa SBSI.

 

 

“DILG should keep close watch over the municipalities and barangays where the SBSI wields influence,” pagtatapos ni Herrera. (Ara Romero)

Other News
  • Sasalubong sa mga consumers sa Disyembre 1… P2 hanggang P3 na umento sa presyo ng liquefied petroleum gas, posible

    POSIBLENG magkaroon daw ng umento sa presyo ng kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Disyembre.     Ayon sa mga energy sources, papalo sa P2 hanggang P3 ang nakikita ng mga Department of Energy (DoE) na dagdaga sa presyo ng kada litro ng LPG.     Katumbas ito ng P22 […]

  • Shootout: 2 drug suspect utas, P68 milyong shabu nasamsam

    Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng “Divinagracia drug syndicate”matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at National Capital Regional Drug Enforcement Unit sa Muntinlupa City, kamakalawa ng  gabi.     Kinilala nina PNP chief,  General Guillermo Eleazar  ang mga napaslang na sina Jordan Abrigo, alyas Jordan  at Jayvee De Guzman o […]

  • Libreng sakay sa MRT3

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) simula March 28 hanggang April 30 dahil tapos na ang ginawang rehabilitation ng buong MRT3.     Nagkaroon ng inagurasyon noong nakaraang Martes ang rehabilitated na MRT 3 matapos ang nakalipas na dalawang (2) […]