• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7.4 magnitude na lindol yumanig sa Surigao del Sur

PATAY ang isang ina habang sugatan naman ang mister nito at anak sa Tagum City, Davao del Norte matapos ang magnitude 7.4 lindol na yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur Sabado ng gabi.

 

 

Batay sa ulat, nakilala ang biktima na si Joy Gemarino ng Brgy. La Filipina Tagum City, Davao del Norte na nasawi matapos mabagsakan ng pader ng gumuhong bahay. Dinala pa ito sa ospital subalit namatay din. Ginagamot naman ang asawa at anak nito.

 

 

Naganap ang lindol sa baybayin ng Hinatuan, Surigao del Sur alas-10:37 ng gabi nitong Sabado.

 

 

Nagsasagawa pa rin ng assessment ang Tagum City Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa insidente.

 

 

Samantala, nakapagtala naman ng 800 aftershocks, 12 sa mga ito ay may lakas na magnitude 4.2 hanggang 6.2.

 

 

Ramdam ang pagyanig sa maraming lugar sa Min­danao at maging sa ilang lugar sa Visayas, Catanduanes at Sorsogon sa Luzon.

 

 

Pinakamalakas ang intensity 7 sa Tandag, Surigao del Sur, intensity 6 sa Bislig Surigao Del Sur at Intensity 5 sa Cagayan de Oro City, Nabunturan, Davao de Oro at Davao City.

 

 

Agad na nagsilabasan ang mga empleyado ng  BPO, ospital at residente sa Matina Enclaves dahil sa malakas na pagyanig.

 

 

Inalis na ng Phivolcs ang inilabas nitong Tsunami Warning.

Other News
  • PAALALA SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO

    PINAALALAHANAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang  simbahan at mga residente hinggil sa pagdiriwang ng Kapistahan naman ng Poong Sto. Nino de Tondo.   Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipagbabawal muna ang anumang  aktibidad na gagawin sa labas ng Sto. Nino de Tondo Parish .   Papayagan  naman ang  pagsasagawa ng mga misa basta’t masusunod […]

  • Alas, Phoenix ‘di naging maayos ang hiwalayan

    HINDI naging maganda ang paghihiwalay ng Phoenix LPG Superkalan at ni coach Francisco Luis (Louie) Alas habang nakatengga pa rin ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 sanhi ng COVID-19.   Nitong nagdaang Biyernes, Setyembre 11 nagpakalat ng statement ang Fuel Masters na sinisipa na ang stint ni Alas bilang coach ng koponan. May […]

  • DIREK ERIK, excited nang simulan ang kanyang first period film na ‘Bonifacio’

    MAY hindi pa ba tayong hindi alam sa kwento ni Andres Bonifacio na hindi natin nabasa sa mga history books o napanood natin sa pelikula?   Isang malaking pelikula na legacy project tungkol kay Bonifacio ang ipoprodyus ng Regal Entertainment ngayong 2021, na pamamahalaan ni Dondon Monteverde.   Ayon kay Mr. Monteverde, sisimulan ang shooting […]