• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRESIDING JUDGE SIBAK SANA KUNDI NAGRETIRO

NAISALBA ng pagreretiro ng isang presiding judge ang sanay pagkakatanggal nito sa trabaho matapos mapatunayang guilty sa kasong Gross Inefficiency and Gross Ignorance of the law dahil sa pagkabigo niya na desisyunan ang ilang kaso na nasa kanyang sala.

 

Sa kabila na retirado na, nagpalabas pa rin ang Supreme Court ng per curiam resolution na may petsang Setyembre 1 pero ngayon lang inilabas sa publiko.

 

Nabatid na forfeited din sana ang retirement benefits ni Judge Mario Trinidad,dating Presiding judge ng Guihulngan City RTC, Branch 64 at habang buhay na siyang diskuwalipika sa anumang publikong opisina pero una siyang nakapagretiro.noong Enero19.

 

Kaugnay nito,pinaalalahanan naman ng SC, ang lahat ng Hukom na mayroon ini adopt na rules, circulars at guidelines para sa kanila na dapat nilang sundin para mapabilis ang resolusyon ng mga kaso na kanilang hawak at kahit na sila ay nagretiro na hindi nila mapipigil ang SC na patawan sila ng parusa kapag napatunayan na lumabag sila sa polisiya .

 

Ang kaso laban kay Trinidad ay nag-ugat sa isinagawang spot audit ng Office of the Court Administrator (OCA) noong Agosto,2019 sa Guihulngan City RTC, Branch 64, na hinahawakan nito na dalawa sa dinesisyunan na civil case ay overdie at ang 46 sa 49 kaso na submitted para resolusyon ay nanatiling nakabinbin at hindi nareresolba sa itinakdang reglementary period at nabigo ang Hukom na makapagbigay ng kapani paniwalang dahilan kung bakit nabinbin ang kanyang resolusyon.

 

Ayon sa SC ,alunsunod sa Konstitusyon kinakailangan na ang Mababang Hukuman ay resolbahin ang kaso sa loob ng tatlong buwan mula sa petsa na isinumite.

 

Ang pagkaantala umano nito ay nangangahulugan ng pagkasira ng pagtitiwala ng publiko sa judicial system ng bansa. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Netizens, inaabangan na ang nakaaaliw na second episode: WILBERT at YUKII, nagpakilig at nagpasabik sa una nilang pagtatagpo

    NAGPAKILIG at nagpasabik ang unang episode ng newest digital series ng Puregold, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, nang ipakita ang kakaibang chemistry sa tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi) sa una nilang pagtatagpo.     Lalo pang matutuwa at ma-i-inlove ang mga tagasubaybay sa ikalawang episode, habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa […]

  • DOH: PH COVID-19 cases higit 435,000 na; total deaths 8,446

    Nadagdagan pa ng 1,061 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).   Kaya naman umakyat pa sa 435,413 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa buong bansa.   “13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December […]

  • Assessment ng US-based company Bloomberg, pinalagan ng Malakanyang

    ITINANGGI at pinalagan ng Malakanyang ang naging assessment ng US-based company Bloomberg kung saan nakapuwesto ang Pilipinas malapit na sa ilalim o kulelat pagdating sa COVID resilience ranking.   Iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos na nahawakan ng pamahalaan ang viral outbreak.   Sa ulat, ipinuwesto ng Bloomberg ang Pilipinas sa 46th mula sa […]