• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 8 MWP ng NPD, nabitag ng Valenzuela police sa Rizal

ISANG construction worker na nakatala bilang top 8 most wanted person sa Norhern Police District (NPD) ang nasilo ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa San Mateo Rizal, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong akusado na si alyas “Leo”, 39, ng Barangay San Isidro, Montalban Rizal at nakatala din bilang Top 2 MWP sa Valenzuela City.

 

 

Base sa report ni Col. Destura kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang SIS ng Valenzuela CPS na nagtatago sa lalawigan ng Rizal si Leo kaya kaagad siyang bumuo ng team para sa pagtugis sa akusado.

 

 

Sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez, kaagad namang nagsagawa ng intensified manhunt operation ang mga operatiba ng SIS na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-4:10 ng hapon sa Phase 8, Easter View Subdivision, Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal.

 

 

Ani Cpt. Sanchez, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline Mendoza Francisco ng Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 270, noong October 5, 2021, para sa paglanag sa Sec.5 (b) of R.A. 7610 in relation to Article 336 of the RPC.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commiyment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30, magpapaturok ng Covid-19 vaccine pero hindi isasapubliko-Sec. Roque

    TINIYAK ng Malakanyang na magpapaturok ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Roa Duterte subalit hindi ito ipakikita sa publiko. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang desisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ihayag nito sa publiko na ang mga frontliners at vulnerable sectors ang makakakuha ng unang bakuna habang siya ay magpapahuli […]

  • Pagdanganan sa Abril pa makakahataw sa LPGA

    PUMALO na ang 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 first full-field event nitong Pebrero 25-28, ang Gainbridge LPGA sa Orlando, Florida, pero sa kalagitnaan pa ng Abril makakapag-umpisa ang longest hitter ng nagdaang taon na si Bianca Pagdanganan.     Maaari ring umasa ang 23-taong gulang na Pinay golf star mula sa Quezon City […]

  • Senador Koko Pimentel, walang bilang sa partido

    NANANATILING chairman ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Kaagad na nagpalabas ng kalatas si PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag matapos na iboto ng paksyon na pinangungunahan ni Senador Manny Pacquiao si elected Senator Aquilino “Koko” Pimentel III bilang party chair, sinasabing para palitan si Pangulong Duterte.   Inilarawan […]