• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

China Coast Guard responsible sa jamming signal

INAKUSAHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang Chinese counterpart ng jamming sa signal ng tracking system ng mga barko ng Pilipinas ng ilang beses sa mga kinakailangang operasyon  sa West Philippine Sea (WPS) na pinipigilan makapag-broadcast ang mga barko ng kanilang mga posisyon sa dagat.

 

 

Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na naobserbahan nito sa rotational deployment ngayong buwan ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquiatic Resources (BFAR) ships sa Bajo de Masinloc  na may mga pagkakataon na ang kanilang barko ay hindi makapag-transmit ng kanilang automatic identification signals (AIS).

 

 

Noong Pebrero 22, binanggit ni Tarriela na humarang umano ng China Coast Guard (CCG) ang AIS ng BRP Datu Sanday ng BFAR, na idineploy para mag-supply ng gasolina at matiyak ang seguridad ng mga mangingisdang Pilipino upang suportahan ang press release ng China sa matagumpay na pagtataboy sa mga barko ng Pilipinas.

 

 

Sinundan ng pagpapalabas ng pahayag ng CCG sa kanilang official website na itinaboy nila ang BRP Datu Sanday nang iligal itong pagpasok katubigan na katabi ng Huangyan Dao ng China.

 

 

“We also noticed this occurrence during the last deployment of BRP Teresa Magbanua and BRP Datu Tamblot. Through such jamming, any commercial AIS monitoring cannot also disprove such statements because they may not be able to find our vessels,”sabi ni Tarriela. GENE ADSUARA

Other News
  • Rosser pinalitan ni Vigil

    HINDI nakabalik ng Manila si Matt Ganuelas- Rosser kaya liliban ang Fil-Am sa kampanya ng defending champion San Miguel Beerm sa restart ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations sa Bubble sa Clark Frreport.   Bago pa magbukas ang edisyong ito ng liga’y ay out na rin si five-time Most […]

  • Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner

    PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2.   Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng […]

  • Pulis na lulong sa sabong, tiklo sa holdap

    ISANG pulis ang inaresto ng kanyang mga kabaro matapos mahuli sa aktong nangholdap ng gasolinahan para umano pangtustos sa kanyang bisyo ng pagsusugal lalo na ang pagsasabong, sa bayan ng Trinidad, Bohol.     Kinilala ang nadakip na suspek na si Police Staff Sergeant Conchito Payac, 33, desk officer ng Dauis Police Station at residente […]