• July 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 sa 3 holdper na bumiktima at sumaksak sa mister, timbog

SA kulungan ang bagsak ng dalawa sa tatlong holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na mister matapos masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City.

 

 

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jessie”, 27, ng Kasarinlan St. Brgy. Muzon at alyas “Edison”, 20, ng Manapat St. Brgy., Tañong habang tinutugis pa ng pulisya ang isa nilang kasama.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michel Oben, habang naglalakad pauwi ang biktimang si alyas “Romel” ng Brgy. 8, Caloocan City dakong alas-2:30 ng madaling araw nang huminto sa kanyang harapan ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek sa Dagat-Dagatan Avenue corner P. Aquino St., Brgy. Longos saka tinutukan siya ng patalim sabay nagdeklara ng holdap.

 

 

Tinangka namang pumalag ng biktima na naging dahilan upang tarakan siya sa mukha ni ‘Jessie’ gamit ang isang barbecue stick, sabay hablot naman ng isa pang suspek sa dala niyang sling bag na naglalaman ng P3,200 cash.

 

 

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Pinagsabugan Street habang humingi naman ng tulong ng biktima sa pulisya na agad nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang holdaper. (Richard Mesa)

Other News
  • 22.9 milyon benepisaryo ang mabibigyan ng ayuda sa ECQ areas

    AABOT lamang sa 22.9 million beneficiaries ang mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng Expanded Social Amelioration Program (SAP).   Ang mga benepisaryong ito ay nasa lugar ng nasa ng ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng isang linggo.   Sinabi ni DBM Sec. Wendel Avisado na base ito sa population statistics […]

  • NORA, kuhang-kuha ang aura ng isang kontrabida na tulad ni Bella Flores

    IMPRESSED kami sa mga photos ni Ms. Nora Aunor posted sa Facebook na sa palagay namin ay para sa promo ng Kontrabida, ang bagong movie ng Superstar from Godfather Productions.     Ibang-iba ang dating ni Ate Guy sa mga larawan. Kuhang-kuha ang aura ng isang kontrabida.     May isang photo na sa biglang […]

  • Paglilinis sa mga illegal parking sa Malabon, pinaigting

    Mahigit 20 na mga sasakyan, kabilang ang mga trailer truck na illegal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada sa Malabon City ang pinaghuhuli ng mga awtoridad sa isinagawang road clearing Opereation.   Ito’y matapos ipag-utos ni Malabon police chief P/Col. Angela Rejano sa lahat ng kanyang sub-station na paigtingin ang road clearing operation kasunod ng mga […]