PNP, naka-heightened alert na para sa Semana Santa 2024
- Published on March 20, 2024
- by @peoplesbalita
ITINAAS na sa heightened alert status ang buong hanay ng Philippine National Police bilang paghahanda sa pagpapatupad ng segurdidad at kapayapaan para sa darating na paggunita ng Semana Santa sa bansa.
Sa isang panayam sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo na sa tuwing sasapit ang panahon ng Holy Week ay otomatiko nang ipinatutupad ng Pambansang Pulisya ang pagtataas ng alert status nito.
Gayunpaman ay binigyan din aniya ng authority at discretion ng PNP ang lahat ng mga regional directors na magdesisyon kung kinakailangan bang mas itaas pa sa full alert level ang Kani-kanilang mga nasasakupang lugar depend sa kanilang sitwasyon nito.
Sa kabilang banda naman ay iniulat din ni PCol. Fajardo na wala pa silang natatanggap na anumang uri ng banta sa seguridad na may kaugnayan sa paggunita ng Semana Santa.
Ngunit tiniyak ng opisyal na sa kabila nito ay hindi pa rin aniya magpapaka-kumpiyansa ang PNP at magtutuloy-tuloy PA rin aniya ang ginagawang koordinasyon nito sa iba pang mga law enforcement unit ng bansa tulad ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng taumbayan ngayong panahon ng Semana Santa.
Samantala, una nang inihayag ng PNP na maaga pa lamang ay nakalatag na ang kanilang seguridad para sa Oplan Semana Santa at maging sa kabuuan ng summer vacation.
Kung saan nasa kabuuang 34,000 na mga pulis ang kanilang ipapakalat sa buong bansa partikular na sa mga lugar na tinukoy na areas of convergence tulad ng mga bahay sambahan, terminal, pantalan, paliparan, at iba pa.
Kabilang din sa inilatag na security ng Pambansang Pulisya ay ang paglalagay ng mga police assistance desks sa mga major thoroughfares, gayundin ang pagbabantay sa mga tourist destinations Lalo na ngayong inaasahan ang pagdagsa ng mga teroristang sasamantalahin ang long weekend para makapagbakasyon.
Kaalinsabay nito ay patuloy pa rin na nananawagan ang PNP sa publiko na palaging mag-ingat at maging alisto sa lahat ng oras at agad na ipagbigay Alam sa Pulisya ang anumang uri ng mga kahina-hinalang gawain, bagay o indibidwal na kanilang mamamataan. (Daris Jose)
-
Dingdong, muling idinirek si Marian sa bagong episode ng ‘Tadhana’
BALIK ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa trabaho dahil muling idinirek ni Dingdong si Marian sa bagong episode ng GMA’s drama anthology series on OFW’s, ang Tadhana. Nag-share sa Instagram si Dingdong ng photo shoot niya ni Marian with the caption: “Ooops, tatlo na sila! Sa sobrang […]
-
MAG LIVE-IN PARTNER SINAKSAK NG KAPITBAHAY SA MALABON
MALUBHANG nasugatan ang 54-anyos na vendor habang nagtamo naman ng maliit na sugat ang kanyang ka-live-in matapos pasukin at saksakin ng kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Nelson Rama ng No. 56 East Riverside, Brgy. Potrero. […]
-
2 DRUG SUSPECT TIKLO SA P374K SHABU SA VALENZUELA
DALAWANG hinihinalang drug personalities kabilang ang 49-anyos na ginang ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Joven Palileo, 39, ng Gumamela St. Gen. […]