Ex-Ozamiz Councilor Ardot Parojinog, patay na nang madiskubre sa selda
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
Inaalam ngayon ng pulisya kung ano ang dahilan sa naging kamatayan ng kontrobersyal na umano’y nasa likod ng organized illegal drug syndicate na si detained former Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog sa loob ng kanyang selda sa Ozamiz City, Misamis Occidental.
Ito ay matapos kinumpirma ni Police Regional Office-10 spokesperson Lt. Col. Mardi Hortillosa ang pagkamatay ni Parojinog habang naka-local custody sa Ozamiz City.
Sa panayam, inihayag ni Hortillosa na tinungo ng mga personahe ng Scene of the Crime Operatives (SOCO-10) ang lugar para alamin kung ano ang sanhi ng biglaang pagkasawi ng akusado.
Ex-Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog
Inihayag ng opisyal na hindi pa sila makapagbigay ng karagdagang pahayag hangga’t wala pang official findings ang mga imbestigador kung paano nangayari sa pagkamatay ni Parojinog.
Sinasabing si Parohinog ay kahapon lamang dumating sa Ozamiz na mula rin pagkakakulong sa Metro Manila.
Si Ardot ay kapatid ng napatay na si dating Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr. na nakatakas noong isinagawa ni dating Ozamiz City police station commander Lt. Col. Jovie Espenido ang madugong anti-drugs operation alinsunod sa unang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 30, 2017.
Magugunitang nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal si Ardot bago ito naaresto habang nagtatago sa bansang Taiwan noong Mayo 2019 dahil sa nangyari kay Aldong.
Napag-alaman na ang mga Parojinog ay unang binansagan na nasa likod daw ng Kuratong Baleleng gang kung saan utak umano ng high profile criminal cases tulad ng bank robberies, illegal drug trade at gun for hire activities sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
-
Ginebra target si Anthony; Mariano, Balanza itatapon sa Batang Pier
Asam ng Brgy. Ginebra na masungkit ang kampeonato sa 45th season ng PBA na Philippine Cup sakaling matuloy ang pagbubukas ng pro-league sa Oktubre o Nobyembre. Sa umuugong na usap-usapan sa pagitan ng NorthPort Batang Pier at ng crowd favorite Brgy. Ginebra, target umano ng Gin Kings na makuha ang kalibre ni Sean Anthony […]
-
Sangalang gamay ang Clark
PARANG tahanan na ni Ian Paul Sangalang ng Magnolia Hotshots ang Clark Freeport and Special Economic Zone bubble. At mistulang homecourt na rin ng Pambansang manok big man ang Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga. Isinilang sa kalapit na Lubao ang28-year-old, 6-foot-7 center/ forward, masaya lang na nakakalaro […]
-
Suplay ng COVID-19 vaccine, hindi malayong kapusin sa first at second quarter ng taon –Galvez
HINDI malayong kapusin ang Pilipinas sa suplay ng COVID-19 vaccine sa first at second quarter ng taon dahil karamihan sa western vaccines ay ginagamit ng Europa at and the United States. Gayunman, kumpiyansa si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng bakuna para ngayong taon para […]