• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH at Qatar nagkasundo na palakasin ang ugnayan sa iba’t ibang larangan

KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Qatar na paiigtingin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa ibat ibang larangan gaya ng pag explore pa sa mga strategic measures na magpapalakas sa trade and investment, pagpapalawak sa ibat ibang kooperasyon, paglaban sa climate change, human trafficking at iba pa.

 

 

Ikinagalak naman ng Pangulong Marcos na sinama ni His Highness Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani sa kaniyang iskedyul ang pagbisita nito sa Pilipinas.

 

 

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng lider ng Qatar sa Pilipinas.

 

 

Umaasa si Pang. Marcos na magiging produktibo ang kanilang pag-uusap at magbukas ito ng mga oportunidad para paigtingin pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Qatar partikular sa commercial level na usapin, government -to-government level at people-to-people level.

 

 

Sa panig naman ng Qatari Amir, na lubos nitong ikinagalak ang kaniyang pagbisita sa bansa.

 

 

Ayon sa lider ng Qatar ang lalagdaang kasunduan ng dalawang bansa ay lalong magpapa angat sa komunikasyon ng dalawang bansa.

 

 

Sinabi ni His Highness Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani na mahalagang partner ng Qatar ang Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • NTC: Higit 11.2 milyong SIM card nairehistro na

    UMAABOT na sa mahigit 11.2 milyon ang mga SIM cards na nairehistro sa bansa.       Batay sa datos na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) kahapon, nabatid na hanggang nitong Enero 2, 2023, kabuuang 11,219,722 SIM cards na ang nairehistro.       Kabilang dito ang 1,017,012 ng DITO Telecommunity; 5,030,649 ng Globe […]

  • MAVY LEGASPI, gustong maka-loveteam si KYLINE ALCANTARA

    Para sa 46th birthday ni Donita Rose noong nakaraang December 5, nag-organize ito ng isang photoshoot kunsaan may glam team pa na nag-ayos ng kanyang make-up, buhok at isusuot.   Na-miss raw ni Donita ang ganitong klaseng photoshoots, lalo noong panahon na nagsisimula pa lang noong 1989 at nung maging sikat siyang VJ ng MTV […]

  • Mga nabakunahan na, ‘di pa rin ligtas sa COVID-19

    Hindi pa rin ligtas sa virus ang mga taong nakapagpaturok na ng bakuna dahil maaaring muli silang mahawa ng COVID-19 dahil wala namang perpektong bakuna.     Sinabi ni Dr. Lulu Bra­vo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination na kapag sinabing 95 percent o 70 percent efficacious, may porsyento pa rin na hindi magiging […]