Mikey Garcia, napupusuan ni Pacquiao bilang susunod na katunggali – Roach
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
Ibinunyag ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na napipisil umano ni Sen. Manny Pacquiao na makatunggali sa susunod nitong laban ang dating world champion na si Mikey Garcia.
Ayon kay Roach, may posibilidad din daw na mangyari ang nasabing laban sa Estados Unidos o sa Saudi Arabia.
“He will fight again, I feel, and from when I’ve talked to him, he wants to fight once or twice more,” wika ni Roach. “But the thing is, it could be anywhere from the U.S. to Saudi Arabia, anywhere. They were talking about Mikey Garcia and I said, ‘Yeah, that’s the perfect fight for Manny.’ But I don’t think we’ll really know until this [pandemic] is over.”
Una nang sinabi ni Roach na wala pa raw itinatakdang timeline ang kampo ng Fighting Senator sa kung kailan ito makakabalik sa ibabaw ng ring.
Masyado aniyang focus si Pacquiao sa kanyang trabaho bilang senador lalo pa’t humaharap din ang Pilipinas sa COVID-19 crisis.
Samantala, bagama’t pabor si Roach sa harapang Pacquiao-Garcia, malaki rin daw ang tsansa na harapin din ng Pinoy ring icon ang mga top welterweights gaya nina Shawn Porter at WBO welterweight champion Terence Crawford.
-
Dahil nag-react ang fans ni Jolina sa ‘Pop Icon’: ‘Asia’s Limitless Star’ title ni JULIE ANNE, ibinalik na ng GMA
IBINALIK na raw sa Asia’s Limitless Star ang title ni Julie Anne San Jose na ipinang-label ng GMA-7’s “The Voice Generations” kunsaan, isa si Julie sa apat na The Voice Generations Judge. Kasama rin niyang judges sina SB19 Stell, Billy Crawford, Bamboo at Chito Miranda. Ilang araw na rin na pinag-aawayan […]
-
Sec. Diokno, dedma lamang sa tsismis na papalitan siya sa puwesto
DEDMA lang si Finance Secretary Benjamin Diokno sa “tsismis” na aalisin siya sa puwesto para ilipat at pamunuan ang Maharlika Investment Corporation (MIC). Ipinagkibit-balikat lamang ni Diokno ang ulat na si Deputy Speaker Ralph Recto ang papalit sa kanya sa DoF. Sinabi ni Diokno, tuloy lang ang kanyang trabaho bilang Kalihim […]
-
2nd autopsy sa labi ni Christine, mahalaga – DOJ
Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na malaki ang pakinabang sa ikalawang awtopsiya na isinagawa ng mga forensic experts ng National Bureau of Investigation (NBI) sa labi ng flight attendant na si Christine Dacera para mabatid kung ano ang totoong dahilan ng kaniyang pagkamatay bago tuluyang ilibing kahapon. Ito ay sa kabila ng opinyon […]