• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Meralco pinatawan ng P19-M multa ng ERC

Pinatawan ng P19-milyong multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) matapos umano nitong labagin ang ilang direktiba ng ahensya sa gitna ng pandemya.

 

Kabilang dito ang bigong paglilinaw sa mga customer na batay sa estimation ang electric bils, at hindi pagsunod sa mandatong installment payment agreement.

 

Ayon kay ERC chairperson Agnes Devanadera, nagdulot ng kalituhan sa mga consumer ng Meralco ang hindi nito pagsunod sa mga inilabas nilang advisories.

 

“This serious neglect by MERALCO resulted to a multitude of complaints filed by its consumers to this Commission,” paliwanag ng opisyal.

 

Nakasaad sa desisyon ng ERC na may petsang August 20, na bilang Distribution Utility, dapat ikinonsidera ng Meralco ang reaksyon ng publiko sa paglalabas nito ng mga impormasyon ukol sa singil sa kuryente.

 

Ilan daw sa pinagbasehan ng komisyon sa kanilang naging desisyon ay ang billing statements na inihain ng mga nag-reklamong consumer; mga empleyado ng kompanya at mga ipinadalang billing statement sa opisina ni Senate Committee on Energy chairman Sen. Sherwin Gatchalian.

 

Dumaan din umano sa evaluation ng ERC ang billing statements mula sa National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (NASECORE). Dito natukoy na 190-araw ang katumbas ng paglabag ng Meralco. (Daris Jose)

Other News
  • DOLE: Libreng bike sa ‘economic frontliners’ na magpapabakuna

    Magbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng libreng bisikleta sa mga ‘economic frontliners’ o kabilang sa A4 category na makakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 umpisa sa buwan ng Hulyo.     Inisyal na maglalabas ng 2,000 bisikleta ang DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) sa ilalim ng programang “BakSikleta”. […]

  • Checkpoint ops ng PNP palalakasin sa mga boundaries

    Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hindi na pinapayagan ang sinumang nais lumabas at pumasok sa Metro Manila batay sa context ng bubble requirement ng national government.     Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana, dahil nasa NCR ang outbreak ng Covid-19 virus minarapat ng national government na lakihan ang spread […]

  • PNP: Online scammers kakalat ngayong Kapaskuhan

    PINAG-IINGAT ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa mga online transactions na posibleng samantalahin ng mga scammer habang papalapit ang Pasko.       Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, inaasahan na ang paggamit ng online transactions ngayong holiday season kaya nakatutok ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) upang naiwasan at mapigilan ito. […]