• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makipag-ugnayan, maghanda para sa La Niña

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs) sa Maguindanao province na makipag-ugnayan at maghanda para sa La Niña phenomenon.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa Maguindanao del Sur, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang paghahanda para sa panahon ng tag-ulan ay makatutulong para mapagaan ang epekto ng pagbaha sa mga residente ng lalawigan.

 

 

”Ngayon, papalapit na tayo sa buwan ng Hunyo, inaasahan natin na huhupa na ang matinding init, ngunit mapapalitan naman ito ng matinding pag-ulan,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“‘Kaya naman, inaatasan ko ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan, lalong-lalo na sa mga LGU, bilang [paghahanda] para sa darating naman na La Niña,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, ginarantiya naman ni Pangulong Marcos sa publiko na nakahanda ang gobyerno na tugunan ang posibleng epekto ng La Niña sa mga susunod na buwan.

 

 

Sinabi pa ng Chief Executive na ang long-term flood control solution ay kailangan para tugunan ang epekto ng weather phenomenon.

 

 

Ang La Niña ay isang penomenong pangkaragatan at panghimpapawid na karapatan ng El Niño bilang bahagi ng mas malawak na gawi o padron ng klimang El Niño. (Daris Jose)

Other News
  • 6 na miyembro ng Haitian football team nawawala sa Florida

    HINAHANAP na ng mga kapulisan sa Florida ang anim na miyembro ng football team ng Haiti matapos na sila ay naiulat na nawawala.     Ayon sa Osceola County Sheriff office, kinilala ang mga ito na sina Oriol Jean, 18, Anderson Petit-Frere, 18, Peter Mianovich Berlus, 19, Nicholson Fontilus, 20, Stevenson Jacquet, 24 at Antone […]

  • KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA 13K NA

    MULING nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.   Sa datos ng Quezon City Health Department, pumalo  na sa 13,604 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.   Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU o ang QC Epidemiology and Surveillance Unit  at district health offices […]

  • SSS MEMBER NA APEKTADO NG COVID-19 MAAARI NANG MAG-CALAMITY LOAN

    Tumatanggap na ng aplikasyon ang Social Security System (SSS) para sa mga miyembro na lubhang naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 pandemic sa ilalim ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP). Inaasahan ng SSS na may 1.74 milyong miyembro nito ang makikinabang sa CLAP kung saan maaaring makautang ng hanggang Php 20,000 depende sa monthly salary credit […]