• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas sa China: P60 milyong sinira sa Ayungin incident bayaran n’yo

SINABIHAN ng Tsina ang Pilipinas na “face the consequences of its own actions” matapos humirit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbayarin ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17.

 

 

 

Para kay Mao Ning, spokesperson para sa China’s Foreign Ministry na ang aksyon ng Tsina laban sa Pilipinas ay makatuwiran dahil ipinagtatanggol lamang nito ang sinasabing kanilang soberanya sa katubigan.

 

 

 

“The Philippine vessels were carrying out an illegal resupply mission which violated China’s territorial waters and staging a provocation when stopped by China Coast Guard, who acted lawfully and rightfully to defend China’s sovereignty,” ayon kay Mao.

 

 

 

Sa ulat, noong Hunyo 17 ay nagkaroon ng banggaan ang Philippine Navy at CCG matapos harangin ng huli ang resupply mission ng puwersa ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

 

 

 

Sinira ng CCG ang dalawang motorboats gayundin ang mga personal na gamit ng ilang Navy officers bukod pa sa pagkuha ng baril ng mga ito.

 

 

 

Pinapasoli rin ng AFP ang pitong baril na kinum­piska ng CCG.

 

 

Ayon kay Brawner, dapat lang pagbayarin ang China sa danyos at abala na kanilang ginawa sa mga Navy officers.

 

 

Subalit, muling sinabi ni Mao na ang Philippine troops na nagsasagawa ng resupply mission sa grounded BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal ang nagpilit na pumasok sa katubigan ng Tsina, ang claim nito na matagal nang pinawawalang-bisa ng international law at 2016 Arbitral Award.

 

 

 

“China Coast Guard responded with law enforcement measures that are fully legitimate, justified and lawful,” ayon kay Mao.

 

 

“We urge the Philippines to stop the infringement activities and provocations, and return to the right track of properly handling differences through dialogue and consultation,” diing pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nanawagan na paigtingin ang pakikipagtulungan sa BIMP-EAGA

    NANAWAGAN si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang pakikipagtulungan sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) para mas makasulong at umunlad pa ang rehiyon.     “BIMP-EAGA provides our common sub-region, which has long been impaired by strife, with better access to viable economic opportunities,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang interbensyon sa  15th […]

  • Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group

    PINURI  ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila.     Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kur­yente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay […]

  • NCR ayuda distribution, pumalo na sa 70.29% – Año

    SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na naipamahagi na ang P7.9 bilyong piso mula sa P11.25 bilyong pisong ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) recipients sa National Capital Region (NCR).   Ani Año, ang naipamahaging ayuda ay may katumbas na 70.29% ng ayuda allocation sa low-income individuals […]