• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Paggamit ng laway para sa COVID-19 test, pinag-aaralan na ng DOH’

Kinumpirma ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinag-aaralan na ng DOH ang paggamit ng saliva o laway upang malaman kung carrier ng coronavirus ang isang indibidwal.

 

Ayon kay Vergeire, binubusisi pang mabuti ng ahensya kung magiging feasible ang ganitong test sa Pilipinas kaysa sa nakagawiang pagkuha ng nasal at blood samples.

 

Base kasi sa isang testing ecpert mula University of Utah Hospital, wala raw masyadong datos na nagsasabi kung gaano katagal ang inilalagi ng virus sa laway.

 

Nasa 3 percent daw kasi ng tests ang lumalabas na invalid kumpara sa 1 percent na ipinapakita ng swab tests.

 

Sa ngayon ay kumokonsulta na ang ahensya sa mga medical societies at local governments tungkol dito. Saka ito maglalabas ng guidelines hinggil sa tamang paggamit, perks at disadvantages ng test gamit ang laway. (Daris Jose)

Other News
  • Glaiza, ‘di itinatanggi na miss na miss na ang bf na si David

    HANGGANG ngayon, nasa Baler pa rin si Glaiza de Castro habang ang boyfriend na si David Rainey ay nakabalik na sa bansa nito.   Ibig sabihin, may ilang buwan na silang physically separated at through online na lang din ang komunikasyon.   Magkasama sila during enhanced community quarantine pa sa Baler. At hindi itinatanggi ni […]

  • Pinoy netters, hahambalos vs mga Greko

    NARITO na sa bansa si men’s world top 10 lawn tennis player Stefanos Tsitsipas at agad na ipinakita ang kahandaan para pamunuan ang Greece kontra Pilipinas para sa Davis Cup World Group II playoffs sa Biyernes at Sabado sa Philippine Columbian Association (PCA), Plaza Dilao sa Paco, Maynila.   Lagpak sa ikalawang pwesto kay Novak […]

  • Oconer sasawatain ni Oranza, 2 iba pa

    PAMUMUNUAN ni Ronald Oranza ang tatlong dating mga hari na na sasawata sa pagtatanggol ng titulo ni George Oconer sa pagpedal ng P3.5M 11th LBC Ronda Pilipinas na sisiklab sa Marso 11 sa Sorsogon at matatapos sa Baguio sa Mar. 22.     Magkasama sina 2020 titleholder Oconer at 2016, 2018 titlist Oranza sa Navy […]