Giit ni Pdu30, walang magic bullet laban sa Covid- 19 pandemic
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang “magic bullet” para resolbahin ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) health crisis.
Kaya ang pakiusap ng Pangulo sa publiko ay dagdagan pa ang pasensiya hanggang maging available ang bakuna.
Sa public address ni Pangulong Duterte ay tiniyak nito sa publiko na patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang Covid-19 pandemic sa pamamagitan ng recalibrating ng health system strategies.
Inamin ng Chief Executive na hindi perpekto ang gobyerno sa pagtugon sa hamon na dala ng pandemiya subalit ginagawa naman aniya ng pamahalaan ang lahat ng magagawa nito para labanan ang pandemiya.
“There is no magic wand or if you want a stronger statement a — the magic bullet, a silver bullet, that will solve our problems. May sinubukan tayo since we are not perfect,” aniya pa rin.
Samantala, umaasa naman si Pangulong Duterte na ang China o ang Russia ang magbibigay sa Pilipinas ng kani-kanilang bakuna sa oras na makumpleto na ang clinical trials.
“Malapit na ‘yan. Russia, China, I dunno if anybody, alam ko lang yung dalawa, nag-announce na meron sila at ready and they’re willing to help. Both countries lumabas ng statement na tulungan nila ako,” anito.
Ani Pangulong Duterte, handa siyang mangutang ng pera para bayaran ang vaccines kung hindi ito ibibigay ng libre.
“Kung may bayad, dahil marami masyado, utangin natin. Credit nalang or hanap tayo ng loan but if it’s not, I’m sure that they are willing to give us that privilege of borrowing from them,” aniya pa rin.
-
Sa tanong kung kasal na sila ni Sam: CATRIONA, sinagot ang follower ng ‘not yet but soon’
IBA talaga ang isang Barbie Forteza, kaya niyang gawin anuman ang hinihingi ng role niya sa kanya. Tulad ngayon na nasa last two weeks na lamang ang action-drama series nila ni David Licauco, ang “Maging Sino Ka Man,” ay sumabak pa siya sa isang matinding action scene. Kung noong unang bahagi ng serye […]
-
Mga nakakumpleto na nang bakuna sa Metro Manila, nasa trenta porsiyento -Malakanyang
PUMALO na sa 30% ang fully vaccinated sa Metro Manila. Kaya positibo ang Malakanyang na malapit ng maabot ang containment sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, 20% na lamang ay maaabot na ang containment sa Kalakhang Maynila na isa aniyang malaking bagay upang magbalik buhay na. “At […]
-
Bakuna muna bago laro- Nets kay Irving
Hangga’t hindi nagpapabakuna si star guard Kyrie Irving laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay hindi siya isasama ng Brooklyn Nets sa kanilang mga ensayo at laro para sa 2021-2022 NBA season. “Kyrie’s made it clear that he has a choice in this matter and it’s ultimately going to be up to him what […]