Tricycle driver sinaksak ng nakaaway sa birthday party
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
NASA kritikal na kalagayan ang isang tricycle driver matapos saksakin ng kanyang nakaaway sa isang inuman sa birthday party sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Mark Joseph De Guzman, 33, ng 10 Nadala, Merville Subd. Brgy. Dampalit.
Pinaghahanap naman ngayon ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Jhon Carlo Arcebal, 25, delivery boy ng J Cenceo, Merville Subd. na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.
Sa imbestigasyon ni PCpl Renz Marlon Beniquid at PCpl Archie Beniasan, imbitado ang biktima sa birthday party ng kapatid ng suspek na si Mark Arcebal sa kanto ng J Cancio at R Diaz Sts.
Habang nag-iinuman alas- 12:15 ng gabi nang mauwi sa pagtatalo ang biktima at ang suspek sa hindi malaman na dahilan kaya’t agad pumagitna si Mark saka inawat ang dalawa bago hinimok si De Guzman na umuwi na lamang.
Gayunman, sinundan ito ng suspek na armado ng patalim saka sinaksak sa likod bago tumakas habang isinugod naman ang biktima ng rumespondeng barangay tanod sa naturang pagamutan. (Richard Mesa)
-
PBBM, tinitingnan ang ‘self-regenerating’ pension plans para sa AFP, PNP
HANGAD ng pamahalaan na bumuo at magpalabas ng “self-regenerating” pension plans para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano niyang itong sa sidelines ng inagurasyon ng 160-megawatt wind farm sa Pagudpud, Ilocos Norte. “We are still in […]
-
Ospital sa Metro Manila lumuwag na sa COVID-19 patients
Patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba na sa 48% ang utilization rate ng mga pagamutan makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ noong nakaraang Marso at […]
-
SHARON, handang ma-bash at sa magiging reaksyon ni Sen. Kiko; may assurance na maganda ang ‘Revirginized’
WALA dapat ipag-alala ang mga Sharonians sa gagawing pelikula ni Megastar Sharon Cuneta under Viva Films titled Revirginized. Kahit na medyo nakaka-shock ang dating ng title, Sharon gave her Sharonians an assurance na magandang project ang Revirginized at excited siyang gawin ito. Wala rin kaso sa kanya na baguhan ang kontrobersiyal […]