• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 araw na gun ban ipatutupad sa SONA

TATLONG araw iiral ang gun ban sa Metro Manila kaugnay ng gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22,

 

 

Ayon kay PNP-Civil Security Group spokesperson Police Lt. Col. Eudisan Gultiano, suspendido ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) simula alas-12:01 ng madaling araw ng Sabado (July 20) at tatagal hanggang alas-12 ng hatinggabi ng July 22.

 

 

Ang gun ban ay bahagi ng precautionary measure para matiyak ang seguridad sa SONA.

 

 

Una nang sinabi ng Philippine National Police na magpapakalat ng 22,000 pulis sa SONA.

 

 

Tiniyak din ng PNP ang pagpapairal ng maximum tolerance sa mga isasagawang kilos protesta sa araw ng SONA.

 

 

Paglilinaw ni Gultiano na epektibo lamang ang naturang gun ban sa National Capital Region (NCR) taliwas sa mga naunang anunsyo na nationwide ang pagpapatupad nito.

 

 

Dagdag pa ng opisyal, tanging ang mga naka-duty na uniformed personnel ang papayagang magdala ng baril sa mga nabanggit na araw. (Daris Jose)

Other News
  • Supply ng oxygen sa Metro Manila sapat

    Sapat pa umano ang oxygen supply sa Metro manila sa kabila ng pagdami ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dahil na sa Delta variant.     “Kahit itong huling ECQ (enhanced community quarantine) marami namang dumating na oxygen tanks hanggang ngayong araw na ito hindi naman tayo nagkakaroon ng shortage pagda­ting sa tangke dito sa […]

  • Malakanyang, pinuri ang local coast guard personnel sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship sa baybaying dagat ng El Nido, Palawan

    PINURI ng Malakanyang ang local coast guard personnel para sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship na namataan sa katubigan ng bansa.   “Congratulations po sa ating magigiting na PCG (Philippine Coast Guard),” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   “I’m sure in due course you will be given the proper recognition that you deserve. […]

  • Pagtapyas sa oil production, hindi makaaapekto sa pump prices sa Pinas-DTI

    MALABONG maging dahilan ng pagtaas ng pump prices sa Pilipinas ang naging desisyon ng Saudi Arabia at iba pang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na tapyasan ang oil production.     Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary  Alfredo Pascual sa press briefing sa Malakanyang na  tila isang “defensive […]