Mga papuri, buhos pa rin sa nurse na tumulong magpaanak sa isang street dweller sa Makati
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
Patuloy pa rin ang buhos ng mga papuri sa isang nurse matapos nitong tulungang manganak ang isang street dweller sa Osmeña Avenue sa Brgy. Bangkal, Makati City.
Ibinahagi ng Bangkal Emergency Response Team sa social media ang mga larawan ng nurse, na napadaan lang sa lugar, noong Martes ng umaga kung kailan nangyari ang panganganak ng homeless.
Sa kwento ng nurse na si Mary Lorraine Pingol, late na raw siya sa trabaho nang tawagin ng barangay rescue team.
Hindi rin naman daw ito nakatanggi lalo pa’t isa siyang nurse na sumumpang tutulungan ang sinumang nangangailangan ng kanilang tulong.
“There’s no other person to help them kundi ako…Saka nurse din naman ako. May sinumpaan kami.” wika ni Pingol.
Aminado naman ang 29-anyos na si Pingol na hindi siya makapagtrabaho ngayon sa ospital dahil nasa remission pa siya sa sakit na leukemia.
Sa ngayon, nagtatrabaho siya bilang nurse sa isang health maintenance organization (HMO). (Daris Jose)
-
DENNIS, umaasa na matutuloy pa ang naudlot na project nila ni JOHN LLOYD; ANDREA, fan ng magaling na aktor
MATAGAL na palang gusto ni Kapuso actress Andrea Torres makatrabaho si Dennis Trillo, at inamin niyang fan siya ng Kapuso Dramatic Actor. Kaya ang saya-saya niya nang i-offer sa kanya ang isa sa tatlong mapapangasawa ni Dennis sa first GMA Cultural Drama series na Legal Wives. Pero hindi raw biro ang […]
-
Obiena may tiket na sa World meet
PASOK na si Olympian Ernest John Obiena sa World Athletics Indoor Championships at World Athletics Championships. Ito ang inihayag ni Obiena matapos ang kanyang gold medal performance sa Orlen Cup na siyang naging tiket nito para makahirit ng puwesto sa dalawang malaking world level competitions. “Last night in Lodz, Poland I […]
-
Top 8 MWP sa Caloocan, timbog
ISANG lalaki na nakatala bilang top 8 most wanted person ang nasakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Rudy” na […]