• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UMAWAT SA NAGHURAMENTADO, SEKYU PINAGSASAKSAK

ISANG 33-anyos na security guard ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasaksakin ng egg vendor na kanyang inawat habang nagwawala at naghahanap ng away  sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Si Joselito Lazaro ng Damata, Brgy. Tonsuya, Malabon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan.

 

Kaagad namang nagsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nakilalang si Romy Aluad, 24, ng Damata St. Brgy. Tonsuya.

 

Ayon kina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jose Romeo Germinal II at P/SSgt. Julius Mabasa, naganap ang insidente alas-10 ng gabi sa Block 2, Damata, Brgy. Tonsuya.

 

Papunta ang biktima sa kalapit na tindahan nang mapansin nito ang suspek na nagwawala at naghahamon ng away habang may bitbit na bote ng alak.

 

Sinita ng biktima ang suspek at tinangkang awatin subalit, nagalit ito saka binasag ang hawak na bote bago pinagsasaksak sa katawan si Lazaro.

 

Sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao na iprisinta ang suspek sa inquest proceeding sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong frustrated homicide. (Richard Mesa)

Other News
  • 3 sangkot sa droga timbog sa buy-bust

    Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas at Valenzuela Cities.   Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez […]

  • 1 Thessalonians 5:15

    Always seek to do good to one another and to all.

  • Mataas na employment rate, patunay ng economic momentum

    NANINIWALA  ang isang kongresista na isang patunay ng economic momentum o pagsipa muli ng ekonomiya ang naitalang pagtaas sa employment rate ng bansa noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon.     Sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, malaking tulong dito ang pagbabalik ng face-to-face activities at consumer spending.     Pinaka-positibo […]