• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Handog ang giant videoke birthday concert experience: ICE, aminadong nabitin dahil ‘di nakanta ang favorite OPM songs

NGAYONG Setyembre, sa iconic Music Museum sa Greenhills muli magaganap isang masaya at tatatak na selebrasyon ng Original Pilipino Music (OPM).

 

 

 

Mamarkahan ng Acoustic Icon ng Asia na si Ice Seguerra, ang kanyang ika-40 (+1) na kaarawan sa pamamagitan ng pinaka-aabangang ikatlong edisyon ng “Videoke Hits.”

 

 

 

Sa ika-13 ng Setyembre magaganap ang natatanging concert na ito at nangangako ng isang hindi malilimutang interactive experiences na kung saan magiging mahalagang bahagi ng palabas ang mga tagahanga ni Ice.

 

 

Ang “Videoke Hits: OPM Edition” ay maituturing na one-of-a-kind event na pinaghalo ang energy nang live performance at ang kaligayahan sa pag-awit sa videoke.

 

 

Magsisimula ito ng ika-8 nang gabi, kung saan kakantahin ni Ice ang mga iconic na videoke classic at paborito ng mga tagahanga.

 

 

Ang highly-interactive na “By Request with Ice, Please!” segment ay magbibigay sa mga manonood ng isang pambihirang pagkakataon na kumanta kasama si Ice.

 

 

Dapat ding abangan ang segment na “Jam with Ice” na kung saan iimbitahan ni Ice ang mga espesyal na bisita na sumama sa kanya sa entablado.

 

 

Ipakikita ni Ice ang kanyang kakaibang pananaw sa mga sikat na karaoke classic sa segment na “Ice-fied”, na naghahatid ng mga bago at kapana-panabik na interpretasyon ng mga minamahal na kanta.

 

 

Ang makabagong konseptong “VIDEOKE HITS” ay pinasimulan ng ideya ni Fire and Ice CEO at creative director na si Liza Diño, na humahantong sa isang malikhaing pakikipagtulungan sa Fire and Ice LIVE! team.

 

 

“This isn’t just any concert; it’s an interactive sing-along event where fans are part of the show! Ice will bring the Karaoke vibe live on stage, giving you a chance to hear your favorite hits like never before,” say naman ni Liza.

 

 

Pagbabali-tanaw sa kanyang previous shows, ibinahagi naman ni Ice ang kanyang excitement for the upcoming event.

 

 

“I felt bitin during my last Videoke Hits dahil hindi ko nakanta ang mga paborito kong OPM songs. Napakaraming OPM songs ang masarap kantahin sa videoke. I also want to do this for my fans.

 

 

 

“Instead of celebrating my birthday with just friends, this time around, I wanna enjoy my time with my fans kasi hindi ko ito normal na ginagawa. I don’t usually celebrate my birthday with other people, so ngayon, it’s one giant videoke birthday concert experience,” pahayag ni Ice.

 

 

 

Ang mga tiket para sa “Videoke Hits: OPM Edition” ay mabibili na TicketWorld at Fire and Ice LIVE! (09175420303). Ang mga presyo ay mula sa ₱1500 para sa mga upuan sa Balcony, ₱2000 para sa Orchestra Side B, ₱3000 para sa Orchestra Side A, ₱3500 para sa Gold, ₱4000 para sa Patron, ₱5000 para sa VIP na may additional options para sa isang Soundcheck Experience (₱1500) at sa Meet & Greet (₱1000) kasama si Ice Seguerra. Ang mga VVIP seat ay para sa ₱7000 na may kasamang Soundcheck Experience at Meet and Greet.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan kay Anna sa info@fireandice.ph o tumawag sa 09175420303.

 

 

Huwag palampasin ang natatanging pagkakataong ito na magdiwang kasama si Ice Seguerra at maging bahagi ng isang incredible videoke birthday party!

Other News
  • RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN

    TODAS ang isang 23-anyos rider habang malubha namang nasugatan ang kanyang angkas matapos bumangga sa isang pampasaherong jeep ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.   Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Arvin Sarmiento, helper ng 35 B Anneth St. Marulas, Valenzuela city. […]

  • PDu30, kumpiyansa na maipapanalo ng ASEAN ang laban nito sa Covid- 19

    KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na maipapanalo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang laban nito sa Covid-19 sa kabila ng mga hamon na kinahaharap nito.   Sa 54th founding anniversary na ginunita ng ASEAN, sinabi ng Pangulo na hindi na estranghero sa mga ASEAN member states ang hirap ng panahon at pagkakataon dahil […]

  • Rosser pinalitan ni Vigil

    HINDI nakabalik ng Manila si Matt Ganuelas- Rosser kaya liliban ang Fil-Am sa kampanya ng defending champion San Miguel Beerm sa restart ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations sa Bubble sa Clark Frreport.   Bago pa magbukas ang edisyong ito ng liga’y ay out na rin si five-time Most […]