Tiis-tiis lang po tayo sa mga haybol
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
MARAMI na naman sa atin ang mainiip mula sa may dalawang linggong moderate enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at sa Region IV-A at B o Calabarson at Mimaropa.
Isa sa paraan ito ng ating gobyerno para masupil ang coronavirus disease o COVID-19 pandemic na marami nang kinitil na buhay at hinawahan.
Nais ko lang magbigay ng tips sa mga sobrang mababagot sa kanilang mga tahanan. Lalo na sa mga kapwa ko marathoner/runner, fitness buff at kahit na sino pa po.
Tiis pa rin talaga na mag-stay tayo sa ating mga tahanan para hindi na kumalat ang virus. Para rin mapadaling matapos na ang halos nationwide lockdown.
Habang naka-home quarantine tayo, mag-ehersisyo lang tuwing umaga at hapon. O kahit isang beses lang isang araw. Pwede ring every other day lang.
Disiplina lang talaga para mapanatili nating malusog ang ating mga katawan upang malayo rin sa Covid.
Marami rin tayong magagawa sa ating mga bahay. Nasabi ko na po sa nakalipas na linggo sa kolum ko ring ito.
Ako ang isa sa pinagkakaabalahan ko pa na hindi ko nabanggit sa huling pitak ko ay ang pagpapaligo ko ng twice a week sa 2 alaga kong aso. Nalinis ko na kasi ang mga kabinet at ilalim ng kama ko.
Pantanggal stress din po iyan at inip.
Subukan po ninyo.
***
Kung gusto po ninyong magkomento o may nais kayong itanong, mag-email lang po sa jeffersoncogriman@gmail.com.
Hanggang bukas po uli. Manalangin din po tayong lahat at magsisi sa ating mga kasalanan, may awa ang Diyos matatapos din ang krisis sa sandaigdigan.
-
Serena Williams nagpahiwatig ng pagbabalik sa tennis
NAGPAHIWATIG ng kanyang paglalaro muli si US tennis star Serena Williams. Sinabi nito na hindi pa ito tuluyang nagreretiro. Dagdag pa ng 41-anyos na si Williams na may malaking tsansa na ito ay muling makapaglaro sa tennis. Hindi naman nito binanggit kung kailan ito muling maglalaro sa mga torneo. Magugunitang noong Agosto ay inihayag nito […]
-
Standardization sa singil ng mga driving schools, pinag-aaralan ng LTO
TARGET ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng standardization sa lahat ng singil ng mga driving school sa bansa. Ito ang inihayag ni LTO chief Jose Arturo Tugade kasunod ng ilang reklamong natatanggap ng ahensya dahil sa malaking halaga ng perang kinakailangan umanong ilabas ng isang indibidwal para makakuha ng driver’s […]
-
Jeep at iba pang pampublikong sasakyan, payagan nang bumiyahe
Hinikayat ng grupong Gabriela ang gobyernong Duterte na payagan na ang mga jeep, bus at iba pang mass transport services na makabiyahe ngayong nasa ilalim na ng general community quarantine (GQC) ang Metro Manila at ilan pang karatig na lugar sa bansa. “Malinaw ngayong unang araw ng GCQ ang parusang dulot sa komyuter at drayber […]