Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE
- Published on August 3, 2020
- by @peoplesbalita
NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19.
Sinabi ni Department of Labor and Employment Undersecretary, Usec. Joji Aragon, malaki ang maitutulong ng programang ito sa DOLE upang mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga mamamayan na wala ng binalikang trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang mga kompanya o mga pinapasukang business establishments.
Sinabi pa ni Aragon, kapag naipatupad na ang emergency employment sa ilalim ng tupad program, agad na nilang masisimulan ang tinatawag na community-based emergency employment na magbibigay ng trabaho sa mga kababayan na nawalan ng mapagkakakitaan.
Aniya pa, sisimulan ang implementasyon ng programa sa mga rural areas hanggang sa mga urban places.
Sinasabing, ilan lamang sa mga maaring maitulong ng TUPAD program ay ang pagLikha ng mga trabahong may kaugnayan sa paglaban sa covid19, tulad aniya ng pagiging contact tracer, data encoDer Sakaling mayroon backlog sa mga pag-input ng mga COVID cases at ang occupational safety and health. (Daris Jose)
-
Galaw-galaw nang ‘di pumanaw
PAHAGING lang po sa sports ang kolum ko ngayon mga giliw naming mambabasa. Maglilimang buwan nap o tayong quarantine o lockdown bilang hakbang ng pamahalaan na mapigilan ang coronavirus disease 2019 pandemic. Habang tumatagal gaya ninyo inip na rin po ako sa lockdown. Pero huwag po tayong maging negatibo. Tayo rin ang […]
-
Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban
Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr. Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 […]
-
DepEd: Subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2, pinoproseso pa
Siniguro ng Department of Education (DepEd) na ipamamahagi nila ang mga subsidiya sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2) sa mga mag-aaral sa oras na matapos na ang application process para sa ayuda. Paliwanag ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla, nagkaroon ng delay sa application process dahil sa napakalawak na […]