• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Russia, kumpiyansa na maaaprubahan na ang COVID-19 vaccine sa Agosto

Desidido ang Russia sa magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus.

 

Target kasi ng gobyerno ng Russia na aprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto ang bakuna na gawa ng Moscow-based Gamaleya Institute.

 

Aaprubahan na ito sa public use kung saan ang unang mabibigyan ay ang mga frontline health workers.

 

Ang nasabing pag-apruba ay itutuloy ng Russia kahit na marami ang nangangamba sa safety at effectiveness nito dahil hindi pa raw ito dumadaan sa masusing trial lalo na ang pagbusisi ng iba pang mga eksperto sa iba’t ibang dako ng mundo.

 

Una nang tinawag ng ilang scientists at residente sa Russia ang “mode” nila ngayon bilang “Sputnik moment” tulad nang una nilang mapalipad sa kalawakan ang spaceship patungo ng buwan noong taong 1957. (Daris Jose)

Other News
  • Kooperasyon, susi sa pagbaba ng alert level status- Año

    ANG DE-ESCALATION o pagbaba sa alert level status sa National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 tungo sa Alert Level 2 simula  Pebrero 1 ay senyales na ang publiko ay sumusunod sa health protocols at iba pang guidelines para mapigilan ang Covid-19 surge.     Ang NCR ay inilagay sa ilalim ng alert Level […]

  • Pagdeklara ng holiday sa lungsod ng Maynila, kinokonsidera sa araw ng inagurasyon ni BBM – PNP

    KINOKONSIDERA ng Philippine National Police (PNP) na magdeklara ng holiday sa lungsod ng Maynila sa araw ng inagurasyon ni President-Elect Bongbong Marcos Jr.       Subalit nilinaw ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa panayam ng Sonshine Radio na wala pa talagang klaro na desisyon hinggil dito.       “Isa rin po […]

  • MPD NAG-INSPEKSIYON SA SEMENTERYO SA LUNGSOD

    NAGSAGAWA ng inspeksyon na ang pamunuan ng  Manila Police District (MPD) sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa papalapit na Undas.     Ayon kay MPD Director Brig.General Andre Dizon, ilalatag ang paghahanda sa seguridad pero kailangan pa ring may paghihigpit dahil nasa gitna pa ng pandemya.     Una nang sinabi ni Dizon […]