• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 700 OFWs sa SoKor na labis na naapektuhan ng Covid- 19 pandemic,nakatanggap ng ayuda mula sa AKAP program ng DoLE

TINATAYANG aabot sa 703 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa South Korea (SoKor) na labis na naapektuhan ng covid19 pandemic ang napagkalooban na ng tulong pinansyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng AKAP Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni South Korea Charge D’Affaires Christian De Jesus, na pawang mga documented at undocumented OFWs ang nabigyan ng nasabing ayuda kung saan nakatanggap ang bawat isa ng tig-200 US dOllar.

Aniya, nagpapasalamat naman sa pamahalaan ang mga mga kababayang filipino sa SoKor na nabiyayaan ng tulong pinansyal ngayong panahon ng pandemya.

Nauna nang inihayag ni De Jesus na nasa 78 OFWs ang tinamaan ng covid19 sa SoKor kung saan 34 dito ang naKalabas na ng pagamutan habang 44 naman ang patuloy na ginagamot sa ospital. (Daris Jose)

Other News
  • Taiwan, isiniwalat ang plano nito para makatulong na gawing modernisado ang PH rice production

    ISINIWALAT ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) ang plano nito na simulan ang modern technology para sa rice farming sa Pilipinas, katuwang ang Department of Agriculture (DA).   Sa isang press conference, sinabi ni TECO Representative Wallace Minn-Gan Chow na layon ng proyekto na ipakita ang suporta ng Taiwan sa ‘food security at affordability […]

  • Sa pinakikita nina DEREK at ELLEN, mukhang may ‘something’ na talaga kahit maraming against

    MUKHANG may ‘something’ na talaga between Derek Ramsay at Ellen Adarna.      Ito na ang nakikita at halos pinaniniwalaan ng mga netizens.     Hindi masisisi nina Derek at Ellen ang netizens kahit pa “The Unbothered” ang tag sa kanila dahil sa mga ipino-post din naman nilang larawan na napaka-cozy sa isa’t-isa. Nandiyang tila […]

  • Tanim muna ng punongkahoy bago prangkisa

    May bagong requirement ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inilabas kung saan ay kinakailangan munang magtanim ng punongkahoy ang kukuha o di kaya ay mag rerenew ng kanilang prangkisa.   Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2020-076 na sisimulan sa Dec.1, ay  kailangan magtanim ang aplikante ng isang (1) punongkahoy kada unit […]