• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 TSINONG MANDARAGAT, DINAMPOT NG MARITIME GROUP

INARESTO ng Maritime Group ang apat na Tsinong mandaragat nang mamataan silang bumababa sa kanikang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex.

 

Kinilalani Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National CapitalRegion Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na si Huang Yongjie, 42; DaiShiwen, 56; Yafeng Zhou, 47; at Tan Riyang, 47, pawang ng Guangdong, China.

 

Ayon kay Col. Villanueva, alas-7:45 ng umaga, nagsasagawa ng foot patrol at policevisibility ang team ni Maj. Rommel Sobrido at Capt. Randy Ludovice Pier 2 saloob ng complex nang mamataan nila ang apat na dayuhan na bumaba sa kanilang vessel at nang wala silang maipakitang kaukulang papeles ng kanilang pagkakilanlan at pakay ay inaresto sila.

 

Sinabi ni Villanueva, dinodoble nila ang kanilang monitoring capability sa gitna ng COVID-19 pandemic upang masuri ang bawat indibidwal, Pilipino man o dayuhan, na pumapasok sa ating katubigan.

 

Inisyuhan ng Task Force Disiplina ng ordinance violation receipt ang apat dahil sa kabiguang magpakita ng quarantine pass bago sila ipinasa sa the Philippine Coast Guard.

 

Nang suriin sa Bureau of Immigration ay nalamang ang apat na Tsino ay halos isang taon na sa kanilang sasakyang pandagat habang hinihintay na ma-renew ang kanilang seafarer’s passport.

 

Nauna rito, dinakip din ng RMU-NCR ang tatlong mangingisda na sakay ng  ‘FBCA Maurene Clarisse’ na si Leonito Estrada Jr., 33; Danilo Bacsal, 47; at Jun de Guzman, 29, pawang mga residente ng Navotas nang mabulagang nangingisda sa restricted area at gumagamit ng ‘active gear’ na ipinagbabawal sa ilalim ng batas. (Richard Mesa)

Other News
  • Gobyerno, handang magbenta ng iba pang ari-arian sa Japan

    MAAARING magbenta ng iba pang ari-arian ang pamahalaan maliban real estate assets sa Japan kung kakailanganin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang maraming pondo para sa mga pangunahing programa nito.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil tinitiyak naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat […]

  • PBA ayaw nang mag-full bubble

    Wala pa sa plano ng Philippine Basketball Association (PBA) ang bumalik sa full bubble para sa pagdaraos ng Season 46 Philippine Cup na target simulan sa Abril 18 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.     Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, numero unong prayoridad pa rin ang semi-bubble o ang home-gym-home format na […]

  • Budget, DepEd execs ginisa sa ‘overpriced’ laptops

    NAGISA ng Senado ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) kaugnay sa pag-apruba nito sa Procurement Service (PS) ng DBM sa pagbili ng umano’y overpriced laptops.     Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, tinanong ni Sen. Ronald dela Rosa ang DepEd bakit pumayag sa pagbili […]