• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas malakas na ‘international legal frameworks’, kailangan sa pagtugon sa kalamidad, sakuna -PBBM

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mas malakas na ‘international legal framework’ na magsisilbi bilang gabay para sa disaster response measures.

 

”We must advocate for stronger international legal frameworks that guide disaster prevention and response. The Philippines is proud to lead the initiative toward developing an international legal instrument for the Protection of Persons in the Event of Disasters,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa pagbubukas ng 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Pasay City.

 

Sinabi ni Pangulong Marcos, nakahanda ang Asia-Pacific na manguna sa disaster risk reduction at climate action.

 

”This endeavor aims to fill critical gaps in international disaster response laws, uphold the rights and dignity of affected persons, establish clearer obligations, and enhance humanitarian coordination,” dagdag na wika nito.

 

Binigyang diin naman ni Pangulong Marcos kung paano ang ‘climate change at disasters’ ay ‘catalysts’ para sa ‘human displacement.’

 

”This necessitates forward-thinking policies that create safe pathways for migration and to support those displaced by disasters so that they can rebuild their lives with dignity and security,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

Tinuran pa ni Pangulo Marcos na sa lahat ng panig ng Asia-Pacific region, “nations grapple with similar trials, navigating the balance between continued economic growth and dealing with the ever-present threat of disasters.”

 

”The Asia-Pacific region also stands as a testament to the unwavering spirit of its people. From the tsunami in the Indian Ocean to Typhoon Haiyan in the Pacific Ocean, from the earthquakes in Nepal to floods in South Asia, our nations have conquered monumental challenges,” ang winika ng Chief Executive.

 

“There is a need to harmonize approaches and pursue meaningful actions under these mandates to secure a sustainable and climate-resilient future,” ang sinabi pa ng Punong Ehekutibo.

 

Ang APMCDRR ay ang primary platform ng rehiyon para mag-monitor, review, at pasiglahin ang kooperasyon para sa implementasyon ng Sendai Framework for Disaster Risk Reduction 2015-2030 sa regional level.

 

Hangad naman ng komperensiya na magbigay ng oportunidad para sa comprehensive review ng regional progress pagdating sa ‘risk reduction efforts.’ (Daris Jose)

Other News
  • House and lot bonus ni Bambol sa 3 boxers

    Para kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, nararapat lamang bigyan ng pabuya sina Olympic Games silver medal winners Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Felix Marcial.     Kahapon ay inihayag ni Tolentino ang pagbibigay niya kina Paalam, Petecio at Marcial ng house and lot […]

  • Bayanihan 3 Relief Package Bill, pasado na sa 2nd reading – Cong. Tiangco

    MASAYANG inanunsyo ni Navotas Congressman John Rey Tiangco na pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang “Bayanihan to Arise as One Act” o “Bayanihan 3 Relief Package Bill”.     Ayon kay Cong. Tiangco, bilang co-author ng panukalang batas na ito ay batid niya na maghatid ng ayuda sa bawat Pilipino at […]

  • DINGDONG, pinaliwanag kay ZIA na kailangang maging healthy para sa pamilya nila; MARIAN, ‘di rin nagpapahuli sa pagwo-workout

    LAST Monday, nag-post uli si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account sa ginagawa niyang daily work-out na sinimulan niya noong Febuary this year.     At 40, gusto talagang ma-maintain ni Dingdong ang malusog at hindi lang basta magandang pangangatawan.     Sa post ng Kapuso Primetime King, may ibinahagi siya sa pagtatanong ng panganay […]