• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pintor timbog sa P200K shabu sa Valenzuela

AABOT mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang pintor na hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Kulog, 50, house painter at residente ng Brgy. Lingunan.

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cayaban na nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng illegal na droga ng suspek.

 

Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek, bumuo ng team si Capt. Dorado sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave at ikinasa ang buy bust operation kung saan pumayag umano ang kanilang target na sa West Service Road sa Brgy. Paso De Blas gaganapin ang kanilang transaksyon.

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang 6-pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong ala-1:40 ng madaling araw.

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000.00, buy bust money, cellphone, P150 recovered money at gamit nitong motorsiklo.

 

Ayon kay SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 11 at 5 sa ilalim ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela Prosecutor’s Office.

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘JulieVerse’ concert, inaabangan na ng mga fans: JULIE ANNE at RAYVER, ‘di ikinakailang nami-miss ang isa’t-isa

    HAPPY ang mga JayVer fans nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, dahil hindi na nila ikinakaila ang namamagitan na sa kanilang dalawa.       Dahil naka-lock-in taping si Julie sa Vigan City, Ilocos para sa “Maria Clara at Ibarra” with Barbie Forteza at Dennis Trillo, hindi nila ikinakailang nami-miss nila […]

  • Senate hearings kaugnay sa Maharlika Fund bill, sisimulan na sa Pebrero

    MAAARING simulan na sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon ang deliberasyon ng Senado kaugnay sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill.     Ginawa ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pahayag habang hinihintay ng Senado ang pinal na bersyon ng House of Representatives.     Dahil ang mga sesyon ay ipinagpaliban sa parehong […]

  • Ex- Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso

    NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election.   Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder at violation of BP No. 880 ang isinampa […]