Kasama na sa pagtakbo
- Published on July 23, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAILANG sesyon na po ang inyong lingkod sa jog-run na sinimulan ko noong Mayo.
Kahapon ng umaga, naka-30 minutes ako.
May kahirapan ang may nakakabit na face mask kapag nag-i-sprint ka, run o kahit jog lang.
Kaya ang ginagawa ko po kung walang katabi, kasalubong o masasalubong na tao sa tinatahak kong lansangan, binababa ko nang kaunti mask hanggang sa lumabas ang kapirasong butas sa ilong.
Pero binabalik ko agad ang face mask kapag may nakikita na akong makakasalubog na tao, kahit sasakyan pa para masiguradong proteksyon sa coronavirus disease 2019.
Kakambal na dear marathoners, runners ang face mask sa ating training at kapag nagbalik na ang mga road race.
Kahit po mahirap mag-face mask para iwas Coronavrus Disease 2019.
***
Kagaya po ninyo, dinadalangin kong matapos na ang Covid-19 hindi lang sa ating bansa, kundi sa sandaigdigan para mabalik na sa normal ang lahat, kabilang na ang sports events.
Mag-ingat po tayo araw-araw, panatilihin pong malakas ang ating katawan at kalusugan.
***
Kung may itatanong o reaksiyon po kayo, mag-email lang po sa jeffersonogriman@gmail.com.
Hanggang bukas uli mga ka-People’s BALITA. (REC)
-
WALA MUNANG PBA D-LEAGUE – MARCIAL
DAHIL sa Coronavirus Disease 2019 o Covid-19, kinansela na ng Philippine Basketball Association o PBA ang 10th PBA Developmental League o D- League 2020. Sang-ayon nitong Miyerkoles kay PBA Commissioner Wilfrido Marcial, sa susunod na taon na lang ibabalik ang farm league ng professional hoops matapos itong madiskaril ng pandemya. “Next year na […]
-
MGA manlalaro ng ABL naglulundagan sa PBA
WALANG katiyakan pa kung kailan magbabalik ang ASEAN Basketball League (ABL) kaya napipilitang magtalunan ang player nito sa nakatakdang Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa Marso 14. Pinakabagong lumayas sa regional league at nagsumite ng application form nito lang isang araw kasama ang kanilang agent-manager na si Charlie Dy sina […]
-
Masterlist ng mga babakunahan ng COVID -19 vaccine, inihahanda na
KINUKUHA na ngayon ng Department of Health (DoH) ang lahat ng mga pangalan ng health workers sa buong bansa. Ito’y bilang paghahanda ng pamahalaan sa nalalapit na pagtuturok ng bakuna kontra Covid-19. Sinabi ni Testing Czar Secretary Vince Dizon, may ginagawa ng koordinasyon ang DOH sa iba’t ibang pagamutan ganundin sa Local Government […]