Pagbati bumuhos sa paghakot ng medalya ni Eldrew Yulo
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
Patuloy ang pagbuhos ng pagbati matapos na makakahakot ng kabuuang apat na gintong medalya at dalawang silver medals ang kapatid ni 2-time gold medalist Carlos Yulo na si Karl Jahrel Eldrew Yulo.
Kabilang kasi ang nakakabatang Yulo sa ginanap na 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships kung saan ang Pilipinas ay mayroon kabuuang 21 Golds, 9 silvers at apat na bronze medals.Streaming service
Nakakuha si Yulo ng apat na gold medals sa mga kategorya ng still rings, vault, floor exercise, Individual All-Around at silver naman sa parallel bars.
Dahil dito ay maraming mga Pinoy ang nagsasabing hindi malayong magagawa din niya ang tagumpay ng kaniyang kapatid sa Olympics.
Una ng sinabi ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na isasama nila Yulo sa listahan na isasabak sa 2028 Los Angeles Olympics.
-
DAGDAG na naman na BABAYARAN sa DRIVER’s STUDENT PERMIT
Mula sa Agosto 3 ay mandatory na sa mga kumukuha ng student permit para sa driving na mag undergo ng “at least 15 hours” na theoretical course mula sa mga LTO accredited driving schools o sa Drivers Education Centers ng LTO. Ang paniwala ng LTO ay sa ganitong paraan “mas magiging disiplinado at courteous” […]
-
Malakanyang, walang kamay sa impeachment complaint laban kay SC Associate Justice Leonen
WALANG kinalaman ang Malakanyang sa naging hakbang na sampahan ng impeachment complaint si Supreme Court Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen dahil umano sa culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust. Ito ay dahil sa bigo di umani si Leonen na makapaghain ng kanyang Statement of Assets and Liabilities (SALN) sa loob […]
-
Pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme, hinirit para sa mga Chinese nationals
SUPORTADO ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme para sa mga Chinese nationals. Tinukoy ang potensiyal na paghikayat para mamuhunan sa bansa, ayon kay ARTA Director General Ernesto V. Perez sa sidelines ng isang forum na inorganisa ng German-Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Makati City. Sa […]