• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P15 trilyon na utang ng Pinas

HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Linggo, Nobyembre 10 ang mga economic managers ng bansa na maghinay-hinay sa pag-utang sa gitna nang patuloy na paglobo ng utang ng bansa na nasa P15 trilyon na.

 

 

Inulit ni Pimentel ang kanyang pagkabahala at panawagan sa gobyerno na suriing mabuti ang mga utang panlabas ng bansa upang maiwasan ang posibleng pangmatagalang panganib sa pananalapi.

 

 

Sa pagsisimula ng deliberasyon ng Senado sa P6.352 trilyong pambansang badyet para sa 2025, binigyang-diin ni Pimentel ang pangangailangan ng economic managers na magkaroon ng disiplina sa pananalapi upang maiwasan ang pag-aaksaya ng pondo ng publiko.

 

 

“Yung utang natin lumalaki ng lumalaki pero ung economic managers natin parang ‘di sila worried sa utang“ ani Pimentel.

 

“Eh worried ako sa utang kasi nakikita ko ‘yung number, ‘yung binabayaran natin kada taon, palaki na rin ng palaki sa principal at saka interes… Nakakatakot para sa akin kasi kada piso, o let say kada P100 na kita ng gobyerno, siguro P15 to P20 ang binabayad natin sa utang,” ani Pimentel.

 

Hindi aniya dapat balewalain ang paglaki ng utang dahil sa halip na mapunta sa tao ang revenue ng gobyerno na mapupunta sa pagbabayad ng porsiyento.

Other News
  • WARNER Bros. Drops Full Synopsis of R-Rated ’Mortal Kombat’

    WARNER Bros. finally dropped the full synopsis of Mortal Kombat just days after its first-look images were revealed.                           The latest movie remake of the Mortal Kombat franchise is coming this April 16 in theaters and on HBO Max. And to pump up the excitement among fans, more details about the film have been revealed. Check out the […]

  • Mayor ISKO, mas maganda na tapusin ang full term bago tumakbo bilang Pangulo

    NANUMPA na si Manila Mayor Isko Moreno bilang party president ng Partido Demokratiko noong nakaraang linggo.     Ibig sabihin ba nito ay tatakbo siyang president next year bilang standard bearer ng partido na binuo ng yumaong senador na si Raul Roco?     Hindi pa naman nagdedeklara ng kanyang candidacy si Yorme Isko pero kung kami ang […]

  • PBBM, oks sa panukalang lumikha ng body para tugunan ang jobs mismatch

    WELCOME  kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang lumikha ng private sector-led coordinating partnership para tugunan ang “jobs at skills mismatch” sa bansa.     Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang  Private Sector Jobs and Skills Corp. ay panukala ng  Private Sector Advisory Council-Job sector Group, kung saan nakapulong ni Pangulong Marcos, araw […]