• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10M Pinoy jobless sa COVID-19 crisis – DSWD

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos nasa 10 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease o COVID-19 crisis.

 

“The health crisis alone has created deep impacts on the economy, as well as our fellow Filipinos’ livelihood and well-being, with prospects of an estimated 10 million Filipinos losing their jobs, the repatriation of nearly 70,000 displaced overseas Filipino workers, and the increasing number of Filipinos involuntary hunger among others,” ani DSWD Secretary Rolando Bautista.

 

Sa kabila nito, siniguro naman ng DSWD na kumikilos na ang mga ahensyang nasa ilalim ng Human Development and Poverty Reduction Council.

 

Batay kay Bautista, ang core strategies ng council ay education, health, social protection, at building opportunities para sa mga Pilipino.

 

Samantala, sinabi naman ng Department of Labor and Employment na may ilan silang programa para matulungan ang repatriated overseas Filipino sa kanilang sitwasyon.

 

Inilahad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang isang Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay program kung saan binibigyan ng P20,000 ang OFWs para makapagsimula ng kanyang negosyo.

 

Maging ang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ay para rin sa boost construction jobs.

 

“This will revive the construction industry and we hope to generate not less than 400,000 working opportunites,” lahad ni Bello.

 

Isa pang programa ang DOLE Integrated Livelihood Program kung saan binibigyan ang OFWs at iba pang manggagawa na bigyan ng loan na may “very minimal interest” para makapagsimula sa negosyo. (Daris Jose)

Other News
  • Donasyong COVID-19 vaccine ng China, depende na sa DOH – FDA

    Ipinauubaya na ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) kung gagamitin ang mga donasyong bakuna ng China kahit na wala pa itong Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA Director-General Usec. Eric Domingo, sang-ayon sa batas hindi namang ipinagbabawal ang pagtanggap ng gobyerno […]

  • SIMBAHAN BILANG NEUTRAL AT PARTISAN

    ANG simbahan  bilang non-partisan ay hindi tulad ng pagiging neutral ayon sa opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos magpahayag ng hindi pag-apruba para sa mga kandidato sa pulitika na “magnanakaw” at “sinungaling.”     “Is the Church being neutral by being non-partisan? I guess people have to understand that being non-partisan […]

  • Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG

    HIHILINGIN  ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus […]