• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang kolehiyo sa bansa, posibleng magsara

MALAKI ang posibilidad na may ilang kolehiyo sa bansa ang magsara bunsod ng kakulangan sa mga enrollees.

Ito ang sinabi ni CHED Commissioner Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Hulyo 15.

Ani De Vera, natatakot kasi ang mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak sa gitna ng coronavirus disease 2019 pandemic.

“Meron na pong ilang eskwelahan na nagsabi sa CHED na magsasara sila dahil yung enrollment po ay talagang bumaba, natatakot ang mga magulang at estudyante at mayroon na pong ilang nag-report sa CHED,” ani De Vera.

“Ang problema po, wala kaming policy sa pagsara kasi itong COVID ay hindi pa nangyari sa matagal na panahon, so we’re only crafting it,” dagdag na pahayag nito.

May ilan aniyang private schools at local governments ang nalilito sa kung ano ang kanilang gagawin ukol sa pagpasok sa mga lugar na walang internet connection.

“Pero humihingi ho ko ng guidance ‘yung mga private schools, in particular, atsaka local governments kasi hindi ho nila alam ang gagawin lalo sa mga area na wala talagang internet connection,”aniya pa rin.

Nauna rito, ipinanukala ni De Vera na i-delay o iurong sa second semester ang klase na kailangan ang person-to-person interaction.  (Daris Jose)

Other News
  • BEA, wala pang nasimulang project sa GMA dahil sa paghihintay nila ni ALDEN sa movie na pagtatambalan

    SA kanyang 16-hectares farm, ang Beati Firma Farm, magpapalipas ng Christmas si Bea Alonzo, with her family, sa Iba, Zambales.     Hindi na siguro dapat itanong kung kasama ba niya ang boyfriend niyang si Dominic Roque, na sinabi niyang her ‘best blessing.’     This year lamang naging public ang relasyon nila ni Dominic, […]

  • Mga kaso ng OSAEC, hindi dapat inaayos sa barangay level-Abalos

    SINABI ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. na hindi dapat inaayos ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) sa barangay level.     Sa katunayan, hinikayat ni Abalos ang publiko na dalhin ang ganitong uri ng insidente sa law enforcement authorities dahil karamihan sa mga kaso ng online sexual abuse laban sa mga […]

  • Dahil sa kilig Tiktok videos nila ni RAYVER: JULIE ANNE, umaming nagulat sa pag-unfollow sa kanya ni JANINE

    DAHIL sa mga kilig Tiktok videos ni Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ‘di napigilang tanungin si Julie tungkol sa pag-unfollow sa kanya sa social media ng ex-girlfriend ni Rayver na si Janine Gutierrez.     “Nagulat na rin lang po ako. But to be honest, wala na po sa akin ‘yun. May kanya-kanya […]