• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Payroll pineke: Empleyado ng PSC buking sa P14.4M fraud

Isang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation dahil sa pamemeke ng payroll  ng mga atleta at coaches.

 

Kinilala ni NBI officer-in-charge Eric B. Distor ang naaresto na si Paul Michael Padua Ignacio.

 

Nag-ugat ang reklamo kay Ignacio mula sa liham na ipinadala ng PSC sa NBI kung saan pinaiimbestigahan ang suspek kaugnay sa panloloko sa mga empleyado ng PSC.

 

Nakalagay  sa liham na sumulat na rin ang PSC kay Landbank of the Philippines OIC Merlita Ibay kaugnay sa “unusual payroll transactions” na ipinasok umano ni Ignacio sa kanyang banko.

 

Sinabi ni Distor na sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ni Ibay, lumalabas na si Ignacio ay empleyado ng PSC-personnel office at naatasang mag-asikaso ng payroll  para sa buwanang allowance ng mga kuwalipikadong atleta at ipinapasok ni Ignacio sa LBP.

 

Gayunman, isinama ni Ignacio ang mga hindi kuwalipikadong coaches at athletes sa payroll at inilagay ang sariling payroll account number bilang account number ng mga ‘di kuwalipikadong coaches at athletes na base sa inisyal na beripikasyon, nasa P14,448,254.35 ang nailusot ni Ignacio mula August 2015 hanggang May 2020.

 

Dahil dito, isinagawa ng NBI-Special Action Unit (NBI-SAU) ang inisyal na imbestigasyon sa PSC office at natuklasan na nitong June ay isinama ni Ignacio  ang payroll ng tatlong unqualified coaches at tatlong   unqualified athletes na may total na P450,150.00.

 

Dahil sa sapat na ebidensya na hawak ng NBI-SAU, inaresto ang suspek sa kanyang opisina sa PSC sa  Maynila.
Kinumpiska rin ng NBI ang laptop at desktop unit ni Ignacio na inisyu ng PSC para sa forensic examination.
Si Ignacio ay isasalang sa inquest proceedings para sa mga kasong qualified theft,  falsification of public documents,  cybercrime prevention act of 2012.

Other News
  • Pagmamahal ng aktor walang hanggan at katapusan: KATHRYN, pinasalamatan si DANIEL sa ’11 beautiful years’

    PAGKATAPOS ng ilang buwan na pinag-uusapan na nagkahiwalay na ang minamahal na loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakumpirma na nga ito noong November 30. Pareho na ngang nagsalita sina Kath at DJ at inaming hiwalay na sila kasabay ng pakiusap na irespeto muna ang kanilang privacy. Sa mahabang Instagram post ni Kath sinimulan […]

  • Labi ng OFW na walang habas na pinaslang sa Kuwait, nakarating na sa Pilipinas

    NAGING emosyonal ang pamilya ng kababayan nating Overseas Filipino Worker sa Kuwait na si Jullebee Ranara nang ito ay makarating muli sa Pilipinas.     Sa halip kasi na maging masaya ay pagluluksa ang kanilang gagawin ngayon matapos na masawi si Jullebee nang dahil sa karumal-dumal na sinapit nito sa kamay ng anak ng kaniyang […]

  • PBA, nagpadala na ng liham sa IATF para payagan ang team practices

    Nagsumite na umano ng pormal na liham ang PBA sa Inter-Agency Task Force kaugnay sa posibilidad ng pagsasagawang muli ng mga team practices sa buwan ng Hulyo.   Kaugnay pa rin ito sa ginagawang mga preparasyon ng liga para sa posibleng pag-usad muli ng 2020 season na pansamantalang sinuspinde dahil sa COVID-19 pandemic.   Sa […]