• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motorcycle experts, ikinababahala ang prototype design

Posible umanong makaapekto ang protective shield na nakalagay sa inilabas na prototype design ng Ainter-Angency Task Force (IATF) para sa mga motorsiklong papayagan mag-angkas simula noong Biyernes, July 10.

 

Ayon sa ilang eksperto sa motorsiklo. lubha raw kasing delikado ang protective shield na ito para sa aerodynamics ng motorsiklo lalo na kapag malakas ang hangin. May tsansa raw kasi na itulak ng hangin ang motor at mararamdaman din umano ng driver na pumapalag ito dahil pipigilan ng protective shield ang maayos na pagdaloy ng hangin.

 

Nagpahayag naman ng pagtutol ang Motorcycle Philippines Federation sa protective barrier na ilalagay sa gitna ng rider at driver para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

 

Sinabi ni Director for Administration ngMotorcycle Philippines Federation Atoy Sta. Cruz na posible pa umano itong maging dahilan na maaksidente ang magka-angkas.

 

Aniya sapat na raw ang pagsusuot ng facemask, faceshield at full face helmet sa kadahalinang mag-asawa naman ang nakasakay sa motorsiklo.

 

Hiniling din ng grupo kay DILG Sec. Eduardo Ano na obligahin ang lahat ng mag-asawa o live-in partner na kumuha ng ID o certification na magpapatunay na nakatira sila sa iisang bahay upang mapabilis ang gagawing checkpoint. (Daris Jose)

Other News
  • 7 INARESTO SA PANGGUGULO SA TONDO

    PITO katao ang arestado matapos magdulot ng gulo at muntikan nang makabaril ng isang alagad ng batas sa Tondo , Maynila kagabi.       Ayon sa Manila Police District (MPD), kinilala ang mga suspek na sina Vicente Ubias  Palacpac, Ruben Diño , Bañez,  Flaviano Aron  Jr,  Eduardo Ubias, Richard Melo , Agrifino Esteroza Jr […]

  • Mask-wearing outdoors, dapat na ‘opsyonal’- Concepcion

    DAPAT na maging opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings.     Sinabi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, nais niyang mag- exit o lumabas na ang Pilipinas sa “state of public health emergency.     “I think wearing of face masks outdoors should now be optional, but it should remain mandatory […]

  • Sobrang grateful na, win or lose: KATHRYN, ‘di nag-e-expect sa kahit anong nomination

    KINUMPIRMA sa amin ng isang ABS-CBN insider ang pagbabalik Star Cinema ng aktres na si Kim Chiu.  Gagawa muli ng isang bagong pelikula ang aktres. Matagal-tagal na ring hindi nakagawa ng movie si Kim under Star Cinema kaya for sure matutuwa ang mg tagahanga ng aktres. Ang huling pelikula ni Kim under Star Cinema ay […]