• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: 12K COVID-19 testing backlogs sanhi ng ‘overwhelmed’ labs

Higit 12,000 ng isinumiteng sample para sa COVID-19 ang kinonsiderang backlogs sa iba’t ibang laboratoryo sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) noong Biyernes.

 

Sa isang virtual forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng delay sa pagproseso ng mga sample na ito ay dahil sa “overwhelming” na pagdating ng mga specimen dahil sa binagong protocol para sa expanded COVID-19 testing.

 

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Malakanyang na kahit ang mga hindi nakikitaan ng sintomas ng COVID-19 ay isasama sa expanded testing program ng pamahalaan.

 

Upang matapos ang mga backlog, sinabi ni Vergeire na nilimitahan ng mga laboratoryo ang bilang ng mga sample na tinatanggap ng mga ito kada araw.

 

Nagpatupad din ng zoning ang DOH para sa madaling referral sa ibang kalapit-laboratoryo.

 

“Pag ang isang laboratory ay nagkakaroon na ng problema like backlogs, puwede natin hingin ang tulong ng isang laboratory na malapit sa kaniya para ma-share niya ‘yung burden of these tests that are being processed,” ayon kay Vergeire.

 

Hanggang Hulyo 9, mayroong 83 na laboratoryo sa bansa ang accredited na magsagawa ng COVID-19 tests, kung saan 62 sa mga ito ang polymerase chain reaction (PCR) facility at 21 ang GeneXpert laboratories.

 

Umabot naman sa 19,459 ang average number ng mga test na isinagawa araw-araw mula Hulyo 1 hanggang 7.

 

Hanggang Hulyo 9 naman, nakapagtala na ang Pilipinas ng 51,754 na kaso ng COVID-19 kung saan 12,813 ang nakarekober at 1,314 naman ang nasawi.

Other News
  • LTO, MMDA minungkahi single ticketing system sa MM

    IMINUNGKAHI  ng Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang single ticketing system sa Metro Manila upang magkaroon ng pagkakasundo sa pagbabayad ng mga multa sanhi ng mga traffic violations.       Pinangunahan ni LTO assistant secretary Arturo Tugade ang isang technical working group (TWG) kasama ang MMDA at […]

  • P120 MILYON POULTRY, SEAFOODS PRODUCT, NASABAT NG BOC

    AABOT na P120 milyong halaga ng poultry,seafood products  ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa serye ng isinagawang pagsalakay sa pitong bodega sa Navotas City kamakailan.     Katuwang ng BOC SA pagsalakay ang  Investigation Service at the Manila International Container Port (CIIS-MICP), Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), National Meat Inspection Service […]

  • Kaso laban sa SBSI officials, ilipat sa Metro Manila mula Surigao del Norte

    HINILING  ng isang mambabatas sa Department of Justice na ikunsidera ang pagsasagawa ng pagdinig ng kaso laban sa mga opisyal ng SBSI officials sa Metro Manila sa halip na sa Surigao del Norte.     “I doubt very much the courts in Surigao del Norte will be able to try the cases against SBSI because […]