• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Hold Me Close’: JULIA, kayang lumaban kina VILMA at JUDY ANN sa pagka-best actress

PURING-PURI si Carlo Aquino ang kanyang leading lady na si Julia Barretto, para nakapahusay nitong pagganap sa kanilang 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Hold Me Close” na mula sa Viva Films.

 

 

Kayang-kaya raw ni Julia na makipagsabayan at lumaban kina Vilma Santos para ‘Uninvited’ at Judy Ann Santos sa ‘Espantaho’.

 

“Sobrang husay kaya ni Juju dito, ‘di ba direk?” Pahayag ni Carlo the actor sa ginanap na grand mediacon para sa balik-tambalan nila ng aktres.

 

Ang “Hold Me Close” ang follow-up nila sa 2022 movie na “Expensive Candy,” na mula rin sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

 

Sagot naman ni Julia na parang nangliliit sa mga papuri, “Sobra ko sila idolo. Even to be mentioned with their name, nakaka-dyahe siya. But I think this film, making it and being included, is such a great honor.”

 

Ang “Hold Me Close” ay kinunan Karatsu, Japan, tungkol ito kay Woody (Aquino), na isang “wondering soul” na naghahanap ng place na puwedeng tawagin na home, makikilala niya si Lynlyn (Barretto ), isang squid vendor na may kakaibang psychic gift na kung saan may kakayahang malaman kung ano ang maidudulot sa kanya ng mga taong makikilala.

 

Habang tinalakay ng ‘Expensive Candy’ ang mas mapangahas na tema, tiyak na hatakin nina Julia at Carlo ang ating puso sa ‘Hold Me Close’ ngayong Pasko, na lalong magpapatunay sa kanilang versatility bilang mga aktor.

 

At sa recent success ng romance movie nina Julia at Joshua Garcia, ‘Un/happy For You’, makakaasa na naman ng movie fans ng isa pang nakaka-engganyong pagganap mula kay Julia.

 

Ang “Hold Me Close” ang pagbabalik-MMFF ng dalawang bida. Huling napanood si Julia sa 2016 entry na ‘Vince at Kath at James’, habang si Carlo ay kasama sa 2012 entry na ‘Shake, Rattle, and Roll XIV.’

 

Balik-MMFF din si Direk Laxamana, last year ay siya ang nag-dire ng action-adventure epic na ‘Penduko’. Kilala rin siya sa kanyang matagumpay na mga romantic drama tulad ‘100 Tula Para Kay Stella’ at ‘Just a Stranger’.

 

Kaya ‘wag palampasin sa Araw ng Pasko ang muling pagsasama nina Julia at Carlo upang makita kung ang pag-ibig ay kaya talagang talunin ang mga pag-iingat ng tadhana.
(ROHN ROMULO)

Other News
  • Alaska workouts grabe – Teng

    MASKI sa online lang muna nagkakakitaan ang Alaska Milk, kayod sa pagpapawis ang mga manlalaro ni Jeffrey Cariaso.   Ayon sa Aces coach, matindi pa aniya ang pinapagawa niya sa kanilang players kumpara sa harapan.   “Grabe kami mag-workout,” pagsisiwalat din kahapon ni third-year wingman Jeron Teng sa Philippine Basketball Association (PBA) Kamustahan podcast. “Sana […]

  • Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games

    AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13.   “Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas […]

  • 4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU

    KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 […]