• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGASA, nagbukas ng mahigit sa 100 permanent positions sa buong bansa

INANUNSYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may mahigit sa 100 permanent job ang bakante sa kanila ngayon.

 

 

Ang mga posisyong bukas ayon sa PAGASA ay sa Central Office sa Quezon City, Aeronautical Meteorological Services Section sa Pasay City, at regional at field offices sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang bagong tatag na istasyon sa Aklan, Antique, Bataan, Camiguin, Isabela, La Union, Northern Samar, Quezon, Quirino, at Siquijor.

 

 

Ang job vacancies mula entry-level hanggang specialized roles, may katumbas na salary grades, ay ang:

 

 

• Salary Grade 17 ( P47,247) 6 Weather Specialist II 3 Weather Facilities Specialist II

 

• Salary Grade 15 (P40,208) 23 Weather Specialist I 2 Weather Observer IV

 

Salary Grade 13 ( P34,421) 2 Weather Facilities Technician III 10 Weather Observer III

 

• Salary Grade 11 (P30,024) 2 Weather Facilities Technician II 26 Weather Observer II

 

• Salary Grade 9 (P23,226) 4 Weather Facilities Technician I 17 Weather Observer I

 

 

Salary Grade 4 (P16,833) 3 Weather Observer Aide

 

• Salary Grade 12 (P32,245) 1 Accountant I

 

• Salary Grade 6 (P18,957) 2 Administrative Aide IV

 

 

Sa kabilang dako, para naman sa posisyon ng Weather Specialist I at II, required ang isang degree sa Engineering o Natural Sciences o kahit na anumang degree na may Math hanggang Integral Calculus at 6 units ng Physics.

 

 

Gradweyt ng anumang Engineering o Information Technology degree ang maaaring mag-apply para sa Weather Facilities Specialist II position.

 

 

Ang aplikante para sa posisyon ay dapat na nakompleto ang Meteorologists o Hydrologist Training Course (MTC/HTC) o isang master’s o doctorate degree sa meteorology o anumang may kaugnayan sa disiplina.

 

 

Isang karagdagang 3-month practicum sa Weather Forecasting Section ang required para sa BS Meteorology graduates at para sa mga master’s o doctorate degrees subalit walang MTC/HTC.

 

 

Ang mga aplikante para sa Weather Observer and  Facilities Technician posts ay dapat na nakompleto na ang Meteorological Technicians Training Course (MTTC). Para sa Observer I at Facilities Technician I, 2 years ng pag-aaral katumbas ng 72 units gaya ng minimum educational requirement habang ang mas mataas na Observer and Facilities Technician positions, isang bachelor’s degree ay kailangan.

 

 

Ang Elementary school graduates ay maaaring mag-apply para sa Weather Observer Aide position habang ang high school graduates o iyong nakapagtapos ng dalawang taon sa kolehiyo ay kuwalipikado para sa Administrative Aide post.

 

 

Ang kompletong listahan ng kuwalipikasyon, requirements, at instructions ay maaaring matagpuan sa PAGASA website (https://www.pagasa.dost.gov.ph/vacancy).

 

 

Ang deadline para sa aplikasyon ay sa Marso 2, 2025. (Daris Jose)

Other News
  • PDU30, magsasalita sa UN General Assembly debate bukas, Setyembre 21

    INAASAHAN na magsasalita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa United Nations (UN) at isulong ang posisyon ng bansa sa mga usapin na may kinalaman sa pagtugon ng gobyerno ng Pilipinas sa coronavirus (COVID-19) at human rights.   Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, magsasalita ang Pangulo sa unang araw ng High-Level General Debate ng […]

  • Kelot tinodas ng riding-in-tandem sa Malabon

    DUGUANG humandusay ang katawan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo habang nakatayo sa harapan ng inuupahang apartment sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan […]

  • Ramirez humihirit pa ng P1B badyet para sa PSC

    NANANAWAGAN ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Kongreso na madagdagan pa ng pondong P1.1B para sa 2021 badyet sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).   Ipinaliwanag ni nitong Biyernes, na ang P207M 2021 PSC budget na itinakda ng Department of Budget and Management (DBM), ay nakalaan lang para sa management at operational expenses ng […]