• May 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

24K TABLETS IPINAMAHAGI SA MGA ESTUDYANTE SA VALENZUELA

PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pamamahagi ng 24,000 tablets sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralang elementarya  at sekondarya sa lungsod.

 

“After going through a strict and stringent procurement process, as well as importation process, this week, we will release 24,000 smartphones to our students in our public schools who stated that they do not have any handheld device during enrollment,” ani Gatchalian sa simula ng pamamahagi  nitong Enero 5 na tatagal hanggang Enero 9.

 

Base sa enrollment declaration ng Department of Education (DepEd) Valenzuela noong nakalipas na taon, 24,000 sa 130,000 estudyante sa pampublikong paaralang elementarya at sekondarya sa lungsod ang walang smartphone o gadget para sa online classes.

 

Sa berepikasyon ng DepEd Valenzuela ay natuklasan na ang mga student-beneficiaries ay walang kapasidad na makabili ng sariling gadget para sa online classes na nagsimula noong Oktubre 2020 kaya’t naglaan ang Pamahlaang Lungsod ng P 69 millyon para sa pagbili ng mga nasabing tablets.

 

Ang mga naturang tablets ay maaaring gamitin sa panonood ng mga aralin sa Valenzuela LIVE Online Streaming School, sa pagbabalik-aral at panonood ng iba pang educational videos.

 

Nagbilin ang pamahalaang lungsod at DepEd Valenzuela sa mga Batang Valenzuelano na ingatan ang kanilang mga tablets dahil pinahahahalagahan rin ng lokal na pamahaaln ang kanilang edukasyon, at sinabing ang mga tablets  ay nararapat lamang gamitin sa paglahok sa online classes at follow-up discussions. (Richard Mesa)

Other News
  • Housing unit, ipinagkaloob ng Valenzuela sa isang PWD Family

    MISYON ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na magbigay ng inklusibong serbisyo para sa lahat, kaya naman pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian, sa pakikipag-ugnayan ng City Social Service and Development Office (CSWDO) at Housing and Resettlement Office (HRO) ang pagbibigay ng isang fully-furnished na housing unit sa isang PWD family sa Disiplina Village, Brgy. Ugong.   […]

  • Bea, sinabihan ng ina na pumili ng lalaking hindi ‘babaero’ sa kanyang YT vlog

    NAKATUTUWA ang recent vlog ni Bea Alonzo sa kanyang You Tube account.   Nakakaaliw sumagot ang mommy ni Bea sa mga tanong na nabubunot nito. Naghahamon pa nga ito na “yun lang ba” raw ang mga comments.   Sa tanong kung sino sa mga ex boyfriend ng anak ang hindi niya gusto, mabilis na sumagot […]

  • Camila Cabello & James Corden Stop Traffic With Cinderella Flash Mob

    CAMILA Cabello and James Corden stopped Hollywood traffic with a flash mob to promote the upcoming film, Cinderella.     Sony first announced the development of the Cinderella film in 2019, but amid Covid-19 concerns, the studio canceled the film’s theatrical release and sold the film to Amazon. Now, it is scheduled for release on Amazon Prime on September 3rd, […]