Palasyo sa Kamara: Unahin ang 2021 budget sa special session bukas, bago ang pulitika
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
DUMISTANSYA ang Malacañang sa isinagawang session ng kampo ni Mariqudue Rep. Lord Alan Velasco sa isang sports club sa Quezon City kung saan hinalal itong speaker ng Kamara.
Pero muling binigyang-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat isantabi muna ang pulitika o isyu ng House leadership at unahin ang pagpasa sa 2021 proposed national budget kung saan nakapaloob ang kinakailangang pondo sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Sec. Roque, ito ang dahilan at nilalaman ng proklamasyon ni Pangulong Duterte na nagpapatawag ng special ses- sion sa Kongreso simula bukas hanggang Oktubre 16.
Ayon kay Sec. Roque, ang mahalaga umano ay ang national budget at bahala na ang mga kongresista sa kanilang internal matters gaya ng isyu ng speakership pagkatapos nilang maipasa ang General Appropriations Bill (GAB).
Kaya hangad umano ng Malacañang na walang mang- yayaring intramurals bukas at pagtuunan lamang ng mga kongresista ang panukalang national budget. (Daris Jose)
-
Kauna- unahang mega quarantine facility sa NCR, bubuksan na sa publiko sa Nobyembre –Malakanyang
NAKATAKDANG buksan at mag-operate sa darating na Nobyembre ang isang mega quarantine facility na matatagpuan sa Metro Manila. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ito ay ang Solaire / Pagcor mega quarantine facility na ilalaan para sa mga asymptomtatic at mild cases. Tinatayang may 600 bed capacity ayon kay Sec. Roque ang pasilidad […]
-
Suporta kay Pacquiao bumuhos
Nagpahayag ng ibayong suporta pa rin ang Malacañang at maging mga kasamahan sa Senado kay Senador Manny Pacquiao sa kabila ng pagkatalo niya kay Cuban boxer Yordenis Ugas sa kanilang super welterweight boxing match sa Las Vegas, Nevada. “The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the honors he bestowed to […]
-
Libreng sakay ng mga estudyante limited na lamang sa LRT 2
BINAWI ng Department of Transportation (DOTr) ang naunang pahayag ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga estudyente sa lahat ng rail lines maliban sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) matapos ang pamahalaan ay nagsabing hindi na makakayanan ang revenue losses na kanilang nararanasan. “The DOTr has received an order from the […]