• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ice hockey player, tulog sa suntok

MALAMIG ang pinaglalaruan pero mainit ang naging eksena sa American Hockey League nang magsuntukan ang dalawang magkalaban sa gitna ng yelong rink.

 

Sa ikalawang yugto ng laro ay makikitang nagkainitan sina Hershey Bears center Kale Kessy at Charlotte Checkers D-man Dereck Sheppard matapos nilang hubarin at bitawan ang kanilang sticks at gloves at saka nagsuntukan.
Tila #MAYPAC ang naganap na senaryo kung saan tuluyang bumagsak si 27-anyos Kessy sa pinakawalang solidong suntok ni 25-anyos Sheppard.

 

Agad namang sumugod ang mga referee. Pati ang nagpabagsak na si Sheppard ay nag-aalala at sumenyas ng tulong sa medical team.

 

Sa naunang report, halos 10 minutong walang malay si Kessy at kumalat sa ice rink ang dugo nito.

 

Sa ngayon ay kinumpirma naman ng Bears head coach na si Spencer Carbery na nasa mabuti nang kalagayan si Kessy.

Other News
  • PDu30, personal na nagpaabot nang pagbati sa mga miyembro ng PSG na nakapasa sa Bar exams

    PERSONAL na binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na pumasa sa 2020/2021 bar examinations.     Sa isang text message, sinabi ni PSG spokesperson Major Zeerah Blanche Lucrecia, na nakipagkita ang mga bar passers kay Pangulong Duterte para sa isang photo opportunity sa Malago Clubhouse sa Malakanyang […]

  • Wala pang community transmission ng ‘mas nakakahawang’ COVID-19 variants sa PH

    Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa ring ebidensya ng community transmission o pagkalat sa komunidad ng mga mas nakakahawang variants ng COVID-19 virus na naitala sa bansa.     “Wala tayong confirmed community transmission as of yet. We are still further studying the cases,” ayon kay Health Usec. Maria Vergeire sa isang […]

  • Validators, ide-deploy para sa food stamp program-DSWD

    NAKATAKDANG mag-deploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga validators para sa rehistrasyon at balidasyon ng 300,000 target na pamilya bilang paghahanda sa ‘full-scale implementation’ ng ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa darating na Hulyo.     Sinabi ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay na ang programa ay mayroong three- […]