• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso, Ardina target ang Olympics berth

MAY apat na Pilipinong golfer ang kumakatok sa mga pinaglalabang tig-60 silya para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 men’s and women’s golf sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

 

Sila ay sina Yuka Saso, Dottie Ardina, Miguel Luis Tabuena at Angelo Que na pawang mga professional golfer.

 

Umakyat na si Tabuena sa ika-59 sa listahan sa pinakahuling inilabas na Olympic golf ranking o OGR ng International Golf Federation dahil sa respetadong finish sa SMBC Singapore Open sa nakalipas na linggo upang manatili sa kontensyon sa pangalawang niyang sunod na paghambalos sa quadrennial sportsfest.

 

Tumapos si Tabuena sa triple-tie sa eight place na may US$21,667 (P1.1M) cash prize sa 275 aggregate sa Singapore golfest sa likod 68, 65, 66 at 76 sa 110-man world class field na pinagwagian ni Matt Kucher ng United States.
Ang isa pang Pinoy na si Angelo Que nalagak sa quintuple-tie sa 24th spot sa 281.

 

Ang top 60 men at top 60 women golfers na nasa OGR sa cut off date sa Hunyo ang mga magku-qualify sa Tokyo Olympics golf.

 

Nasa kontensiyon para sa Top 60 women sina Saso (nasa dulong kanan ng larawan) na nasa ika-49 at Dottie Ardina na nasa ika-51. (REC)

Other News
  • Ex-DoH Sec. Garin, 9 iba pa pinakakasuhan

    Pinasasampahan na ng Department of Justice (DoJ) panel ng patong-patong na kaso sina dating Health Sec. Janet Garin at siyam na iba pa kaugnay ng ikalawang batch ng Dengvaxia case.   Sa 78 pahinang resolusyon na inilabas noong Pebrero 19, 2020, kasama sa mga pinasasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa korte ang […]

  • DINGDONG, natupad na ang dream na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity

    NOONG May 1, Labor Day, natupad na ang dream ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity, sa pamamagitan ng pagtutulungan nila ng kanyang YesPinoy Foundation at Rotary Club of Makati, para mag-train at magturo sa mga Pandemic-affected workers, engaged as Partner Riders by Dingdong.     Sa pamamagitan ng partnership ng […]

  • Comelec walang kapangyarihan na tumanggi sa voter registration extension – Lagman

    Binigyan diin ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi maaring tumanggi ang Commission on Elections (Comelec) sa extension ng voter registration process.     Sa ilalim kasi aniya ng iniakda niyang batas, ang Republic Act No. 8189 o “The Voter’s Registration Act of 1996,” mayroong hanggang Enero 9, 2022 ang poll body para isagawa ang […]