QC ban sa single-use plastics sa mga resto, hotel sa Kyusi atras Hulyo
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ng pamahalaan ng Quezon City na inilipat sa Hulyo 1 ang pagpapatupad ng ban nito sa single-use plastics sa mga restaurant at hotel upang magbigay ng mas maraming panahon sa mga establisyimento na i-adjust ang kanilang dine-in logistics.
Ipinagpatuloy matapos ang limang buwan ang enforcement sa ban sa ilalim ng City Ordinance No. 2876 nang bigyan ng konsiderasyon ng pamahalaan ang ilang concern na pumapalibot sa hygiene at logistics, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Inisyal na naging epektibo ang ban noong Pebrero 15 sa pagnanais ng pamahalaang lungsod na iwasan ang paggamit ng single-use plastic food containers at utensils.
Itinaas ng ilang establisyimento ang kanilang logistical concerns na maaaring makaapekto sa kanilang day-to-day operations, pahayag ng lokal na pamahalaan.
Inirekomenda ng Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD) ng siyudad ang pagpapaliban sa ban dahil kailangan pa umanong maipasa ng mga establisyimento ang transition plan sa city government sa loob ng 30 araw.
Kailangan din umanong magkaroon ng procurement timeline para sa mga amenities ang naturang plano maging ang “establishments’ standards and hotel/restaurant international regulations as justification.
Kailangan magkaroon ng impormasyon tungkol sa mga disposable material na ginagamit ng mga establisyimento para sa take-out orders “for hygienic and food safety purposes and its appropriate recovery/recycling mechanisms.”
Nakikipag-ugnayan na ang waste management department ng siyudad sa Philippine Alliance for Recycling and Materials Sustainability (PARMS) upang mas lalo pang ma-develop ang proseso sa pag-recover at recyle ng mga plastic at disposable materials.
May magmulta ng P1,000-P5,000 ang sinumang lalabag dito depende sa bilang ng mga paglabag. Sa ikatlong pagkakataong malabag ito, maaaring ma-revoke ang business permit ng establisyimento at isyuhan ng closure order. (Ara Romero)
-
Libreng face mask, nais ni PDu30 na ibigay sa mga mamamayang Pinoy
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nais niyang bigyan ng pamahalaan ng libreng face mask ang mga mamamayan upang matiyak na susunod ang mga ito sa COVID-19 safety protocols. “Let me explain to the people in simple terms. Iyong bakuna — it’s the mask. Eh iilang gamit lang ‘yan. But iyong iba lumang-luma eh isang […]
-
Pacers, patuloy ang paghahanap ng bagong coach
Patuloy pa rin ang paghahanap ng Indiana Pacers ng head coach. Ito ay matapos ang isang linggong pagsibak kay Nate McMillan bilang head coach ng koponan matapos ang pagkabigo nila sa NBA playoffs. Sinabi ni Pacers team president Kevin Pritchard, na ang katangian ng coach na kanilang hinahanap ay yung kayang dalhin ang […]
-
Sen. Drilon pinahihinto ang implementasyon ng MVIS
Gustong pahintuin ni Minority Leader Franklin Drilon ang pagpapatupad ng widely criticized na Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Department of Transportation (DOTr) na ngayon ay hawak ng mga pribadong kumpanya. Ayon kay Drilon ay huwag lang itong gawing optional kung hindi ay dapat tangalin na rin ang implementasyon dahil ito ay unconstitutional […]